Mga kapakinabangan at kondisyon sa pagaayuno

(Khutbah May 26 2017)
Mga alipin ni Allah, mga magulang at kapatid sa pananampalataya, dumating sa atin ang mabiyayang buwan ng Ramadan kung saan ay itinagubilin sa atin ang pagaayuno sa buwan na ito. Sinabi ni Allah:
O kayong mga sumasampalataya, ang pagaayuno ay itinagubilin sa inyo gaya na ito ay itinagubilin sa mga nauna sa inyo upang kayo ay magkaroon ng taqwa.
Iniisip ng ibang mga tao lalo na ang mga walang pananampalataya na ang buwan ng Ramadan ay buwan kung saan ang mga Muslim ay nanghihina dahil sa sila ay gutom at uhaw bunga nang kanilang pagaayuno, ngunit tunay na ang buwan na ito ay buwan kung saan ang mga Muslim ay mas nagiging malakas. Pagmasdan natin, di nga bat napupuno ang mga masajid tuwing sasapit ang Ramadan? at yaong mga hindi nagiibada ay nanunumbalik kay Allah?
Ang pagaayuno ay hindi kahinaan sa mga Muslim bagkus ito ay sanhi ng kanilang lakas at tagumpay. Ipinaguutos sa atin ang magayuno sa buwan na ito dahil ito ay may malaking kapakinabangan at nagtataglay ito ng di mapapantayang kabutihan at benepisyo. Kabilang dito ay ang mga sumusunod.
1- أَنَّ الصَّوْمَ وَسِيلَةٌ إلَى شُكْرِ النِّعْم , فالصيام هُوَ كَفُّ النَّفْسِ عَنْ الأَكْلِ وَالشُّرْبِ وَالْجِمَاعِ , وهذه مِنْ أَجَلِّ النِّعَمِ وَأَعْلاهَا , وَالامْتِنَاعُ عَنْهَا زَمَانًا مُعْتَبَرًا يُعَرِّفُ قَدْرَهَا , إذْ النِّعَمُ مَجْهُولَةٌ , فَإِذَا فُقِدَتْ عُرِفَتْ, فَيَحْمِلُهُ ذَلِكَ عَلَى قَضَاءِ حَقِّهَا بِالشُّكْرِ .
1. Ang pag-aayuno ay isang paraan at bagay na gigising sa atin upang ating mapansin ang biyaya sa atin ni Allaah at pasalamatan ang mga ito. Dahil ang pag-aayuno ay ang pag-iwas sa pagkain, inumin at pakikipagtalik sa asawa na kung saan ang mga bagay na ito ang pinaka-mahalagang bagay sa tao. Na kung saan ayon sa kanila na sa paglayo at pag-iwas natin sa mga ito ng panandalian ay ating natututunan ang
kahalagahan at kagandahan ng mga ito.
2- أَنَّ الصَّوْمَ وَسِيلَةٌ إلَى ترك المحرمات , لأَنَّهُ إذَا انْقَادَتْ النَفْسٌ لِلامْتِنَاعِ عَنْ الْحَلالِ طَمَعًا فِي مَرْضَاةِ اللَّهِ تَعَالَى , وَخَوْفًا مِنْ أَلِيمِ عِقَابِهِ , فَأَوْلَى أَنْ تَنْقَادَ لِلامْتِنَاعِ عَنْ الْحَرَامِ , فَكَانَ الصَّوْمُ سَبَبًا لاتِّقَاءِ مَحَارِمِ اللَّهِ تَعَالَى
2. Ang pag-aayuno ay nangangahulugan ding pagsasanay sa pag-iwas sa mga bagay na haraam na magiging dahilan ng pagkalugod ni Allaah sa isa. At ganundin ay upang katakutan ang kanyang masidhing kaparusahan dito sa mundo at maging sa kabilang buhay.
3- أَنَّ فِي الصَّوْمِ التغلب على الشَّهْوَةِ , لأَنَّ النَّفْسَ إذَا شَبِعَتْ تَمَنَّتْ الشَّهَوَاتِ , وَإِذَا جَاعَتْ امْتَنَعَتْ عَمَّا تَهْوَى
3. Ang pag-aayuno ay nangangahulugang pagsasanay ng isa kung papaano makontrol ang kanilang pagnanasa, dahil habang ang isa ay hindi marunong kumontrol sa kanyang mga nais, mas madali para sa kanya na siya ay magkasala. At batay din sa mga ebidensiya na kapag ang isa ay nagugutom humihina ang kanyang pagnanasa.
وَلِذَا قَالَ النَّبِيُّ صلى الله عليه وسلم:
Ayon sa hadeeth na naiulat na sinabi ng Huling Sugo (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan):
( يَا مَعْشَرَ الشَّبَابِ : مَنْ اسْتَطَاعَ مِنْكُمْ الْبَاءَةَ فَلْيَتَزَوَّجْ ; فَإِنَّهُ أَغَضُّ لِلْبَصَرِ , وَأَحْصَنُ لِلْفَرْجِ , وَمَنْ لَمْ يَسْتَطِعْ فَعَلَيْهِ بِالصَّوْمِ , فَإِنَّهُ لَهُ وِجَاءٌ ) .
“O kayong mga kabataang lalake! Sinuman sa inyo ang may kakayahang mag-asawa ay dapat magpakasal, dahil ito ay epektibo upang ibaba ang kanyang paningin at proteksiyunan ang kanyang ari. Sinuman ang walang kakayahan, siya ay mag-ayuno, dahil ito ay pananggalang para sa kanya.
4- أَنَّ الصَّوْمَ مُوجِبٌ لِلرَّحْمَةِ وَالْعَطْفِ عَلَى الْمَسَاكِينِ , فَإِنَّ الصَّائِمَ إذَا ذَاقَ أَلَمَ الْجُوعِ فِي بَعْضِ الأَوْقَاتِ , ذَكَرَ مَنْ هَذَا حَالُهُ فِي جَمِيعِ الأَوْقَاتِ , فَتُسَارِعُ إلَيْهِ الرِّقَّةُ عَلَيْهِ , وَالرَّحْمَةُ بِهِ , بِالإِحْسَانِ إلَيْهِ , فكان الصوم سبباً للعطف على المساكين .
4. Ang pag-aayuno ay bilang pag-unawa sa kalagayan ng mga naghihirap at sa kanila ay makadama ng awa. Dahil sa oras na nag-aayuno ang isa, kanyang nararamdaman ang pagkagutom panandalian, na siyang nararamdaman ng mga kapos-palad na walang makain. Ito din ay bilang pagpapaalala sa kanya na siya ay dapat maglimos sa mga taong dukha.
5- فِي الصَّوْمِ قَهْرٌ لِلشَّيْطَانِ ، وإضعاف له , فتضعف وسوسته للإنسان ، فتقل منه المعاصي ، وذلك لأن ( الشَّيْطَان يَجْرِيَ مِنْ ابْنِ آدَمَ مَجْرَى الدَّمِ ) كما قال النبي صلى الله عليه وسلم ، فبالصيام تضيق مجاري الشيطان فيضعف ، ويقل نفوذه .
5. Ang pag-aayuno ay bilang paglaban sa bulong ni shaytaan, sa pag-aayuno ay nababawasan ang paggawa ng kasalanan ng isa, dahil humihina ang ating matalik na kaaway. Ito ay batay sa hadeeth na naiulat na sinabi ng Huling Sugo (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan): “Ang shaytaan ay dumadaloy sa inyong mga ugat na tulad ng inyong dugo. Ngunit sila ay nanghihina sa pamamagitan ng pag-aayuno, dahil sa pag-aayuno pinakikipot nito ang kanilang daluyan, kaya ang kanilang impluwensiya ay humihina.
قال شيخ الإسلام في “مجموع الفتاوى” (25/246) :
Batay naman kay Shaykhul Islaam Ibnu Taymiyyah (kaawaan nawa siya ni Allaah):
ولا ريب أن الدم يتولد من الطعام والشراب ، وإذا أكل أو شرب اتسعت مجاري الشياطين – الذي هو الدم – وإذا صام ضاقت مجاري الشياطين ، فتنبعث القلوب إلى فعل الخيرات ، وترك المنكرات اهـ بتصرف .
“Walang pag-aalinlangan na ang dugo ay nagmula sa pagkain at inumin, kaya kapag ang tao ay kumakain at umiinom, ang dugo ay dumarami at lumuluwag ang ugat na kung saan ay kasabay nito ang paglago ng daluyan ng shaytaan – o demonyo, sa kanyang katawan. Ngunit kapag ang isa ay nag-aayuno, ang lagusan ng shaytaan – o demonyo, ay kumikipot at ang resulta nito ay nagiging malaya at abala ang puso ng isa
sa pag-alala kay Allaah at paggawa ng mga gawaing mabuti.” Mula sa kanyang aklat na Majmoo al Fataawah 25/246.
6- أن الصائم يدرب نفسه على مراقبة الله تعالى ، فيترك ما تهوى نفسه مع قدرته عليه ، لعلمه باطلاع الله عليه .
6. Ang taong nag-aayuno ay sinasanay ang kanyang sarili na si Allaah ay palagiang nakamasid, kaya maski mga bagay na pinayagan sa kanya ay kanya itong iniiwasan panandalian bunga ng kanyang pag-aayuno.
7- وفي الصيام التزهيد في الدنيا وشهواتها ، والترغيب فيما عند الله تعالى .
7. Ang pag-aayuno ay bilang pagpapatibay sa isa sa kanyang pagnanais sa buhay na walang hanggan sa Hardin ng Paraiso, at pag-ayaw at pagkamuhi sa mga makamundong bagay na magdudulot sa kanya sa paglayo sa pag-alala kay Allaah, sa kamatayan at maging sa kabilang buhay.
8- تعويد المؤمن على الإكثار من الطاعات ، وذلك لأن الصائم في الغالب تكثر طاعته فيعتاد ذلك .
8. Ayon din sa mufassiroon – o mga nagpapaliwang ng Islam, na ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhaan ay bilang pagsasanay at bilang pagtatanim ng isa na mahalin ang gawaing pagsamba, dahil sa buwan ng pag-aayuno ang isa ay gumagawa ng maraming gawaing pagsamba at pag-alala kay Allaah.
PART 2
Mga alipin ni Allah, mga magulang at kapatid sa pananampalataya, tunay na ang pagaayuno ay inobliga sa atin sa buwan ng Ramadan. Ngunit gaya ng iba pang mga obligasyon ay mayroon din itong mga kondisyon. Ang pagaayuno sa buwan na ito ay may limang kondisyon bago natin masabi na ito ay obligado sa isang tao.
أولاً/ أن يكون مسلماً
Ang unang kondisyon- Kailangan siya ay isang muslim o muslimah
Batay sa ating mga ulama, ang pangunahing kondisyon sa taong mag-aayuno, kailangan siya ay muslim – mananampalataya kay Allaah at sa kanyang Huling Sugo.
ثانيا/ أن يكون مكلَّفاً
Ang pangalawang kondisyon- dapat ang magaayuno ay isang Mukallaf – nasa tama at katinuan ng pag-iisip.
Batay sa mga ulama na ang taong mag-aayuno ay kailangang mukallaaf– nasa tama at katinuan ng pag-iisip. Dahil ang mga minor de edad at wala pa sa hustong gulang, ay tinuturing na wala pa sa katinuan ng isip at sila ay pinaniniwalaan na hindi pananagutin sa mga bagay- bagay.
ثالثاً/ أن يكون قادرًا على الصوم
Ang pangatlong kondisyon- dapat ay may kakayahang magayuno.
Sinabi ni Allah sa banal na Qur-an:
من كان مريضا أو على سفرٍ فعدّةٌ من أيامٍ أخر…
“At kung sinuman sa inyo ang may sakit o nasa paglalakbay, ang kaparehong bilang ng araw ay dapat suklian. . . “ Al Baqarah 2:185.
Ayon sa ating mga ulama, ang mga walang kakayahan ay nahati sa dalawa.
Ang temporal- ito yung mga taong naglalakbay o kaya may pansamantalang sakit kaya sila ay hindi makakapag ayuno sa buwan ng Ramadan at hindi rin obligado sa kanila ang pagaayuno habang nasa ganitong katayuan. Ngunit kung sila ay gumaling na o nakabalik na sa kanilang paglalakbay ay kailangan nilang bayaran ang mga araw na hindi sila nakapagayuno.
Ang pangalawa ay permanente- sila yaong mga taong walang kakayahang magayuno dahil sa sakit o katandaan at wala nang pag-asang gumaling. Kaya sila ay dapat na magbigay na lamang ng fidyah (magpakain ng isang tao araw-araw).
رابعاً/ أن يكون مُقِيمًا
Ang pang-apat na kondisyon ay dapat siya ay isang muqeem o residente sa isang lugar o yaong taong hindi musaafir dahil ang isang musaafir ay hindi inobliga na magayuno dahil sinabi ni Allah:
من كان مريضا أو على سفرٍ فعدّةٌ من أيامٍ أخر…
“At kung sinuman sa inyo ang may sakit o nasa paglalakbay, ang kaparehong bilang ng araw ay dapat suklian. . . “ Al Baqarah 2:185
خامسًا/ الخلو من الموانع
Ang panglimang kondisyon ay dapat walang hadlang sa kanyang pagaayuno.
Ang kondisyong ito ay epektibo lalo na sa mga kababaihan na kung saan sila ay may buwanang dalaw o pagdudurugo na bunga ng panganganak, sila ay pinahihintulutan na huwag mag-ayuno. Ito ay batay sa pahayag ng Huling Sugo: “Na kapag dumating ang kanilang buwanang dalaw o pagdudurugo na bunga ng panganganak, sila ay pinahihintulutan na huwag mag-ayuno. Ito ay batay sa pahayag ng Huling Sugo (ang dasal nawa ay sumakanya at kapayapaan): “Na kapag dumating ang kanilang buwanang dalaw sila ay dapat tumigil sa kanilang pagdarasal at pagaayuno.”
Mga alipin ni Allah, ang ating relihiyon ay madali. Hindi tayo pinahirapan ng ating panginoon bagkus ay pinagaan sa atin ang ating mga obligasyon sa kanya upang magampanan natin ito ng maayos at mahusay. Kaya purihin si Allah dahil sa kanyang biyaya, awa at habag sa atin.
DUA

IJMA NG MGA ULAMA NA ANG MUNDO AY BILOG

الإجماع على كروية الأرض
IJMA NG MGA ULAMA NA ANG MUNDO AY BILOG

ما نقله شيخ الإسلام ابن تيمية رحمه الله عن أبي الحسين ابن المنادي رحمه الله ، حيث قال
Si Shaykh al-Islam Ibn Taymiyah ay nagsalaysay mula kay Abu’l-Husayn ibn al-Munaadi:

وقال الإمام أبو الحسين أحمد بن جعفر بن المنادي من أعيان العلماء المشهورين بمعرفة الآثار والتصانيف الكبار في فنون العلوم الدينية من الطبقة الثانية من أصحاب أحمد : لا خلاف بين العلماء أن السماء على مثال الكرة ……
Si Imam Abu’l-Husayn Ahmad ibn Ja‘far ibn al-Munaadi ay nagsalaysay mula sa mga tanyag na ulama na kilala sa kanilang kaalaman sa aathaar at malalaking gawa sa funun ulum ad deeniyyah, mula sa pangalawang baitang sa mga kasamahan ni Ahmad, na walang khilaaf sa pagitan ng mga ulama na ang samaa’ ay kagaya ng isang bola.

قال : وكذلك أجمعوا على أن الأرض بجميع حركاتها من البر والبحر مثل الكرة . قال : ويدل عليه أن الشمس والقمر والكواكب لا يوجد طلوعها وغروبها على جميع من في نواحي الأرض في وقت واحد ، بل على المشرق قبل المغرب ” انتهى من “مجموع الفتاوى” (25/195) باختصار .
Siya ay nagsabi: Ganundin sila ay nagkakaisa na ang mundo, kasama na ang lahat ng laman nito na mga lupa at dagat ay kagaya ng isang bola. Siya ay nagsabi: Ito ay pinapatibayan sa katotohanan na ang araw, buwan at mga bituin ay hindi sumisikat at lumulubog doon sa nasa sa ibang bahagi ng mundo sa parehong oras; bagkus ito ay nangyayari sa silangan bago ito mangyari sa kanluran. End quote from Majmoo‘ al-Fataawa (25/195)

وسئل رحمه الله : عن رجلين تنازعا في ” كيفية السماء والأرض ” هل هما ” جسمان كريان ” ؟ فقال أحدهما كريان ؛ وأنكر الآخر هذه المقالة وقال : ليس لها أصل وردها فما الصواب ؟
Siya ay tinanong patungkol sa dalawang lalaki na nagtatalo patungkol sa nature ng langit at lupa: sila ba ay kapwa bilog? Ang isa sa kanila ay nagsabi na ito ay bilog, ngunit ang isa ay nagdeny nito at nagsabi na walang basehan para dito. Ano ang tamang pananaw?

فأجاب : ” السموات مستديرة عند علماء المسلمين ، وقد حكى إجماع المسلمين على ذلك غير واحد من العلماء أئمة الإسلام : مثل أبي الحسين أحمد بن جعفر بن المنادي أحد الأعيان الكبار من الطبقة الثانية من أصحاب الإمام أحمد وله نحو أربعمائة مصنف ، وحكى الإجماع على ذلك الإمام أبو محمد بن حزم وأبو الفرج بن الجوزي ، وروى العلماء ذلك بالأسانيد المعروفة عن الصحابة والتابعين ، وذكروا ذلك من كتاب الله وسنة رسوله ، وبسطوا القول في ذلك بالدلائل السمعية ، وإن كان قد أقيم على ذلك أيضا دلائل حسابية ، ولا أعلم في علماء المسلمين المعروفين من أنكر ذلك ، إلا فرقة يسيرة من أهل الجدل لما ناظروا المنجمين قالوا على سبيل التجويز : يجوز أن تكون مربعة أو مسدسة أو غير ذلك ، ولم ينفوا أن تكون مستديرة ، لكن جوزوا ضد ذلك ، وما علمت من قال إنها غير مستديرة – وجزم بذلك – إلا من لا يؤبه له من الجهال …” انتهى من “مجموع الفتاوى” (6/586) .
Siya ay sumagot: Ang langit ay bilog, ayon sa mga ulama al-Muslimeen. Higit sa isa sa mga ulama at mga a’immah ay nagsalaysay na ang mga Muslimeen ay may ijma patungkol dito, gaya ni Abu’l-Husayn Ahmad ibn Ja‘far ibn al-Munaadi, isa sa mga pangunahing pantas kabilang sa pangalawang baitang mula sa mga kasamahan ni Imam Ahmad, na sumulat ng humigit kumulang apat na raang libro. Ang ijma sa puntong ito ay isinalaysay din ni Imam Abu Muhammad ibn Hazm and Abu’l-Faraj ibn al-Jawzi. Ang mga ulama ay nagsalaysay nito na may kilalang isnaad mula sa mga Sahaabah at Taabi’een, at sila ay sumipi nito mula sa Libro ni Allah at sa Sunnah ng kanyang Mensahero. Sila ay tumalakay dito na detalyado na may kasamang orally-transmitted evidence. Mayroon ding mathematical evidence dito, at wala akong kilala na kabilang sa mga tanyag na Muslim scholars na nag deny nito, maliban doon sa iilan na nakikipagtalo, kung saan kung sila ay makikipagdebate sa mga astrologers ay nagdedeny nito for the sake of argument at nagsasabi: Malamang ito ay square o hexagonal and so on. Hindi nila dinedeny na maaring ito ay bilog, ngunit sila ay nagsasabi na ang kabaliktaran nito ay possible. Wala akong kilala na nagsabi na ito ay hindi bilog – na may katiyakan – maliban sa iilang mga mangmang na walang nagbibigay pansin. End quote from Majmoo‘ al-Fataawa (6/586)

وقال أبو محمد ابن حزم رحمه الله : ” مطلب بيان كروية الأرض :
Si Abu Muhammad ibn Hazm sa- Patunay na ang mundo ay bilog

قال أبو محمد وهذا حين نأخذ إن شاء الله تعالى في ذكر بعض ما اعترضوا به ، وذلك أنهم قالوا : إن البراهين قد صحت بأن الأرض كروية ، والعامة تقول غير ذلك ، وجوابنا وبالله تعالى التوفيق : أن أحداً من أئمة المسلمين المستحقين لاسم الإمامة بالعلم رضي الله عنهم لم ينكروا تكوير الأرض ، ولا يحفظ لأحد منهم في دفعه كلمة ، بل البراهين من القرآن والسنة قد جاءت بتكويرها … ” وساق جملة من الأدلة على ذلك “الفصل في الملل والأهواء والنحل” (2/78) .
Siya (Abu Muhammad) ay nagsabi: Ating tatalakayin ang iilan sa mga argumento na taliwas sa idea na ang mundo ay bilog. Sila ay nagsabi: Mayroong matibay na ebedensiya na ang mundo ay bilog, ngunit ang mga karaniwang tao ay nagsasabi ng taliwas dito. Ang aming sagot – وبالله تعالى التوفيق – ay walang isa man mula sa mga pangunahing ulamang Muslim na karapat dapat tawaging Imam o pinuno sa kaalaman ang nagtatwa na ang mundo ay bilog, at walang salaysay mula sa kanila na nagdeny dito. Bagkus ang ebedensiya sa Qur-an at Sunnah ay nagsasabing ito ay bilog… at siya ay sumipi ng eebdensiya nito. End quote from al-Fasl fi’l-Milal wa’l-Ahwa’ wa’l-Nihal (2/78)

ومن الأدلة على كروية الأرض :
Ang patunay na ang mundo ay bilog ay ang mga sumusunodd:

Si Allah ay nagsabi:

( خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ يُكَوِّرُ اللَّيْلَ عَلَى النَّهَارِ وَيُكَوِّرُ النَّهَارَ عَلَى اللَّيْلِ ) الزمر/5 .
““He created the heavens and earth for a true purpose; He wraps the night around the day and the day around the night” [az-Zumar 39:5].

وقد استدل ابن حزم وغيره بهذه الآية .
Si Ibn Hazm at iba pa ay sumipi sa ayah na ito bilang patunayy.

Si Shaykh Ibn ‘Uthaymeen ay nagsabi:

الأرض كروية بدلالة القرآن ، والواقع ، وكلام أهل العلم ، أما دلالة القرآن ، فإن الله تعالى يقول : ( يُكَوِّرُ اللَّيْلَ عَلَى النَّهَارِ وَيُكَوِّرُ النَّهَارَ عَلَى اللَّيْلِ )
Ang mundo ay bilog, ayon sa ebedensiya ng Qur-an, sa realidad at sa pananaw ng syensiya. Ang patunay ng Qur-an ay ang ayah kung saan si Allah ay nagsabi:

“He created the heavens and earth for a true purpose; He wraps the night around [yukawwir] the day and the day around the night” [az-Zumar 39:5].

والتكوير جعل الشيء كالكور ، مثل كور العمامة ،
Ang salitang yukawwir (translated here as “wraps around”) ay nangangahulogang to make something round, like a turban.

ومن المعلوم أن الليل والنهار يتعاقبان على الأرض ، وهذا يقتضي أن تكون الأرض كروية ؛ لأنك إذا كورت شيئاً على شيء ، وكانت الأرض هي التي يتكور عليها هذا الأمر لزم أن تكون الأرض التي يتكور عليها هذا الشيء كروية .
Alam ng karamihan na ang gabi at umaga ay sumusunod sa bawat isa sa mundo, na nag imply na ang mundo ay bilog, dahil kung babalutin mo ang isang bagay “around another thing” (yukawwir), at ang bagay na binalot ay ang mundo, kung gayon ang mundo ay bilog.

وأما دلالة الواقع فإن هذا قد ثبت ، فإن الرجل إذا طار من جدة مثلاً متجهاً إلي الغرب خرج إلى جدة من الناحية الشرقية إذا كان على خط مستقيم ، وهذا شيء لا يختلف فيه اثنان .
Patungkol sa real-life evidence, ito ay napatunayan. Kung ang isang tao ay lilipad mula Jeddah, halimbawa, na papunta sa kanluran, siya ay babalik sa Jeddah mula sa silangan, kung siya ay lilipad sa isang straight line. Ito ay isang bagay kung saan ay walang isa ang naiiba.

وأما كلام أهل العلم فإنهم ذكروا أنه لو مات رجل بالمشرق عند غروب الشمس ، ومات آخر بالمغرب عند غروب الشمس ، وبينهما مسافة ، فإن من مات بالمغرب عند غروب الشمس يرث من مات بالمشرق عند غروب الشمس إذا كان من ورثته ، فدل هذا على أن الأرض كروية ، لأنها لو كانت الأرض سطحية لزم أن يكون غروب الشمس عنها من جميع الجهات في آن واحد ، وإذا تقرر ذلك فإنه لا يمكن لأحد إنكاره ، ولا يشكل على هذا قوله تعالى :
Patungkol sa mga salita ng mga ulama, sila ay nagsasabi na kung ang isang tao ay namatay sa kanluran sa paglubog ng araw, at ang isang tao ay namatay sa silangan sa paglubog ng araw, at mayroong distansiya sa pagitan nila, ang isang namatay sa kanluran sa paglubog ng araw ay makakapagmana mula sa isa na namatay sa silangan sa paglubog ng araw, kung siya ay isa sa kanyang mga tagapagmana. Ito ay nagiindika na ang mundo ay bilog, dahil kung ang mundo ay flat, ang paglubog ng araw sa lahat ng regions ay magaganap sa parehong oras. Sa sandaling ito ay maitatag, walang makakadeny nito. Ito ay hindi sinasalungat ng mga ayaat kung saan sinabi ni Allah:

( أَفَلا يَنْظُرُونَ إِلَى الإِبِلِ كَيْفَ خُلِقَتْ . وَإِلَى السَّمَاءِ كَيْفَ رُفِعَتْ . وَإِلَى الْجِبَالِ كَيْفَ نُصِبَتْ . وَإِلَى الأَرْضِ كَيْفَ سُطِحَتْ )
“Do they not look at the camels, how they are createdd?

And at the heaven, how it is raised?

And at the mountains, how they are rooted and fixed firm?

And at the earth, how it is spread out?”

[al-Ghaashiyah 88:17-20]

لأن الأرض كبيرة الحجم ، وظهور كرويتها لا يكون في المسافات القريبة ، فهي بحسب النظر مسطحة سطحاً لا تجد فيها شيئاً يوجب القلق على السكون عليها ، ولا ينافي ذلك أن تكون كروية ، لأن جسمها كبير جداً ، ولكن مع هذا ذكروا أنها ليست كروية متساوية الأطراف ، بل إنها منبعجة نحو الشمال والجنوب ، فهم يقولون : إنها بيضاوية ، أي على شكل البيضة في انبعاجها شمالاً وجنوباً ” انتهى من “فتاوى نور على الدرب”.
Dahil ang mundo ay napakalaki at ang pagkakurba nito ay hindi makikita sa maiksing distansiya, sa paningin ito ay malapad at hindi makikita ang anoman na magiging sanhi na ang isa ay matatakot tumira dito, ngunit ito ay hindi sumasalungat sa fact na ito ay bilog, dahil ito ay napakalaki. Ngunit sila ay nagsasabi na ito ay hindi evenly round; bagkus ito ay indented or pushed in sa bahagi ng north at south poles. Kaya sinabi nila na ito ay egg-shaped.

End quote from Fataawa Noor ‘ala ad-Darb

وبهذا تعلم أن كون الأرض كروية ، لا ينافي كونها كالبيضة ، وإنما القول الباطل هو الزعم بأنها مسطحة كما كانت تعتقد الكنيسة ، ولهذا كانت تلعن وتحرق من يقول بكرويتها من العلماء ، وينظر : “العلمانية نشأتها وتطورها” (1/130) .
Kaya ito ay known na ang mundo ay bilog, at ito ay hindi sinasalungat ng fact na ito ay kagaya ng isang itlog. Bagkus ang maling pananaw ay ang claim na ito ay flat, gaya ng pinaniniwalaan ng simbahan noon at dahil dito ay kanilang sinusumpa at sinusunog yaong mga scientists na nagsasabibg ito ay bilog.

See: al-‘Almaaniyyah: Nash’atuha wa Tatawwuruha (1/130)

والله أعلم
wallahu a’lamm.

Da’eef na du’a sa Iftar

ما حكم الدعاء من الأحاديث التي قالوا عنها أنها ضعيفة مثل :

Ano ang hatol sa du’a mula sa hadeeth na sinasabi nilang da’eef gaya nang:

1 – عند الفطور ” اللهم لك صمت وعلى رزقك أفطرت “.
1 – Ang pagsasabi kung mag iftaar: “Allaahumma laka sumtu wa ‘ala rizqika aftartu (O Allaah, for You I have fasted and by Your provision I have broken the fast).”

2 – أشهد أن لا إله إلا الله أستغفر الله أسألك الجنة وأعوذ بك من النار
2 – Ashhadu an laa ilaaha ill-Allaah astaghfir Allaah as’aluka al-jannah wa a’oodhu bika min al-naar (I bear witness that there is no god but Allaah, I ask Allaah for forgiveness, I ask You for Paradise and I seek refuge with You from the Fire).

الدعاء عند الإفطار بما ذكرت ، ورد في حديث ضعيف رواه أبو داود (2358) عَنْ مُعَاذِ بْنِ زُهْرَةَ أَنَّهُ بَلَغَهُ أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ إِذَا أَفْطَرَ قَالَ اللَّهُمَّ لَكَ صُمْتُ وَعَلَى رِزْقِكَ أَفْطَرْتُ .
Ang pagbanggit ng mga du’a sa mga salitang nakasaad tuwing mag iftaar ay isinalaysay sa da’eef na hadeeth na isinalaysay ni Abu Dawood (2358) mula kay Mu’aadh ibn Zuhrah, na narinig ang Propeta na nagsasabi, kung siya ay nag iftaar, “Allaahumma laka sumtu was ‘ala rizqika aftartu (O Allaah, for You I have fasted and by Your provision I have broken the fast).”

ويغني عنه ما رواه ابو داود (2357) عن ابن عمر رضي الله عنهما قال كَانَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا أَفْطَرَ قَالَ : ( ذَهَبَ الظَّمَأُ وَابْتَلَّتْ الْعُرُوقُ وَثَبَتَ الأَجْرُ إِنْ شَاءَ اللَّهُ ) والحديث حسنه الألباني في صحيح أبي داود .
Wala nang pangangailangan para dito, dahil mayroon tayong salaysay mula kay Abu Dawood (2357) mula kay Ibn ‘Umar na nagsabi: Tuwing ang Mensahero ni Allah ay mag iiftaar, siya ay magsasabi: “Dhahaba al-zamau’a, wa abtallat al-‘urooq wa thabata al-ajr insha Allah (Thirst has gone, the veins are moist, and the reward is assured, if Allaah wills).” Ang hadeeth na ito ay inuri na hasan ni al-Albaani sa Saheeh Abi Dawood.

وأما الدعاء بهذه الصيغة المرتبة : ” أشهد أن لا إله إلا الله أستغفر الله أسألك الجنة وأعوذ بك من النار ” فلم نقف عليها .
Patungkol sa ganitong du’a (pangalawang du’a) – Ashhadu an laa ilaaha ill-Allaah astaghfir Allaah as’aluka al-jannah wa a’oodhu bika min al-naar, ay wala kaming nakitang batayan o pinagkuhanan nito.

Batas sa isang buntis o nagpapasuso sa pag aayuno sa buwan ng Ramadan

Ang mga ulama ay nagkaiba patungkol sa pagbabatas sa mga nagdadalang tao at nagpapasusong ina kung sila ay hindi mag ayuno. Mayroong iilang opinyon.

1 – Na sila ay kailangan magbayad ng pag aayuno lamang. Ito ang pananaw ni Imam Imam Abu Haneefah. Kabilang sa mga sahaabah, ito ang pananaw ni ‘Ali ibn Abi Taalib.

2 – Na kung sila ay nangangamba para sa kanilang sarili, kailangan nilang bayaran ang pag aayuno lamang, at kung sila ay nangangamba para sa kanilang mga anak sila ay kailangan na magbayad ng pag aayuno at magpakain ng isang mahirap na tao sa kada araw. Ito ang pananaw ni Imam al-Shaafa’i at Imam Ahmad. Si Al-Jassaas ay nagsalaysay din nito mula kay Ibn ‘Umar.

3 – Na sila ay kailangan magpakain lamang ng mahirap, at hindi na kailangan magbayad ng ayuno. Mula sa mga Sahaabah, ito ang pananaw ni ‘Abd-Allaah ibn ‘Abbaas. Si Ibn Qudaamah ay nagsalaysay din nito sa al-Mughni (3/37) mula kay Ibn ‘Umar.

Si Abu Dawood (2318) ay nagsalaysay mula kay Ibn ‘Abbaas at ‘Ali na ang pariralang ito – “yaong mga may kakayahang mag ayuno na may kahirapan” [al-Baqarah 2:184] ay isang concession na ipinagkaloob sa mga matatandang lalaki at matatandang babae na nahihirapang mag ayuno, na nagpapahintulot sa kanila upang hindi mag ayuno at magpakain na lamang ng isang mahirap na tao sa bawat araw, at katulad din ito sa mga nagdadalang tao at nagpapasusong kababaihan kung silay natatakot. Si Abu Dawood ay nagsabi: i.e., para sa kanilang mga anak – sila ay maaring di mag ayuno at magpakain na lamang (ng mahirap na tao). Si Al-Nawawi ay nagsabi: ang isnaad nito ay hasan.

Ito ay isinalaysay din ni al-Bazzaar na nagdagdag sa huli: Si Ibn ‘Abbaas ay nagsabi sa kanyang asawa na buntis: “Ikaw ay katulad ng isa na hindi makakapag ayuno, kaya kailangan mong magbayad ng fidyah ngunit hindi mo na kailangan mag bayad ng mga pagaayuno.” Si Al-Daaraqutni ay nag uri sa isnaad nito bilang saheeh, sa sinabi ni al-Haafiz sa al-Talkhees.

Si Al-Jassaas ay nagsalaysay sa Ahkaam al-Qur’aan na ang mga ulama ay nagkaiba patungkol sa isyu na ito. Kanyang sinabi:

Ang mga salaf ay nagkaiba patungkol sa usaping ito, at mayroong tatlong pananaw. Si ‘Ali ay nagsabi: kailangan nilang bayaran ang pag aayuno kung silay hindi nag ayuno, ngunit hindi na sila kailangan magbayad ng fidyah. Si Ibn ‘Abbaas ay nagsabi: Kailangan nilang magbayad ng fidyah ngunit di na kailangan na bayaran ang pag aayuno. Si Ibn ‘Umar ay nagsabi: kailangan nilang magbayad ng fidyah at bayaran ang pag aayuno.

Yaong mga nagsabi na kailangan lamang nilang bayaran ang pag aayuno ay sumipi sa mga sumusunod bilang patunay:

1 – Ang ulat na isinalaysay ni al-Nasaa’i (2274) mula kay Anas, na ang Propeta ay nagsabi: “Allaah has waived half of the prayer for the traveler, and fasting, and for those who are pregnant and breastfeeding.” Inuri bilang saheeh ni al-Albaani sa Saheeh al-Nasaa’i. Ang Propeta ay nagsabi na ang batas sa nagdadalang tao at nagpapasuso ay kagaya ng batas sa isang manlalakbay. Ang manlalakbay ay maaring di mag ayuno at kailangan itong bayaran, at ito ay kagaya din sa mga buntis at nagpapasusong babae. Tingnan ang Ahkaam al-Qur’aan ni al-Jassaas.

2 – Paghahambing sa may sakit. Kagaya na ang mga may sakit ay pinapahintulotang di mag ayuno at bayaran na lamang ito, ito ay aplikado din sa mga buntis at nagpapasuso. Tingnan ang al-Mughni, 3/37; al-Majmoo’, 6/273.

Ang pananaw na ito ang pinanigan ng iilang mga ulama.

Si Shaykh Ibn Baaz ay nagsabi sa in Majmoo’ al-Fataawa, 15/225.

Ang buntis at nagpapasusong babae ay nasa parehong pambabatas gaya ng mga may sakit. Kung ito ay mahirap sa kanila upang mag ayuno kung gayon itinatagubilin sa kanila na wag mag ayuno, ngunit kailangan nilang bayaran ito kung kanila nang makakaya, gaya ng mga may sakit. Ilang ulama ang nasa pananaw na sapat na para sa kanila na magpakain ng isang mahirap ba tao sa kada araw na kanilang iniwan, ngunit ito ay mahinang pananaw. Ang tamang pananaw ay kailangan nilang bayaran ang mga naiwang pag aayuno, gaya ng mga biyahedor o mga may sakit dahil si Allah ay nagsabi:

“but if any of you is ill or on a journey, the same number (should be made up) from other days” [al-Baqarah 2:184]

Siya ay nagsabi din sa Majmoo’ al-Fataawa, 15/227:

Ang tamang pananaw patungkol sa bagay na ito ay ang buntis at nagpapasuso ay kailangan magbayad ng pag aayuno at ang naisalaysay mula kay Ibn ‘Abbaas at Ibn ‘Umar, na ang mga buntis at nagpapasuso ay kailangan magpakain nalang nga mahirap, ay isang mahinang pananaw na sumasalungat sa ebedensiya ng shari’ah. Si Allah ay nagsabi:

“but if any of you is ill or on a journey, the same number (should be made up) from other days” [al-Baqarah 2:184]

Ang buntis at nagpapasusong babae ay inihalintulad sa may sakit, at hindi napapasailalim sa pambabatas ng mga matatanda na hindi makakapag ayuno. Bagkus sila ay napapasailalim sa pambabatas ng may sakit, kaya kailangan nilang bayaran ang pag aayuno kung makakaya na nila, kahit pa iyon ay “delayed”.

Nakasaad sa Fataawa al-Lajnah al-Daa’imah (10/220):

Kung ang buntis na babae ay nangangamba para sa kanyang sarili o para sa kanyang foetus dahil sa pag aayuno sa Ramadan, maari niyang putulin ang ayuno at bayaran na lamang ang kanyang mga naiwang pag aayuno. Sa ganitong kalagayan siya ay kagaya ng may sakit at hindi kayang mag ayuno o natatakot na ang pag aayuno ay makapipinsala sa kanya. Si Allah ay nagsabi:

“but if any of you is ill or on a journey, the same number (should be made up) from other days” [al-Baqarah 2:184]

Katulad din nito kung ang nagpapasuso ay natatakot para sa kanyang sarili kung kanyang pinapasuso ang kanyang anak sa Ramadan, o siya ay natatakot para sa kanyang anak kung siya ay mag aayuno at hindi siya e breastfeed, maari siyang hindi mag ayuno, at dapat lamang niyang bayaran ang mga naiwan niyang pag aayuno.

Nakasaad din sa Fataawa al-Lajnah al-Daa’imah (10/226):

Ang isang buntis ay kailangan mag ayuno habang siya ay buntis, maliban na lamang kung siya ay nangangamba para sa kanyang sarili o sa kanyang foetus kung siyay mag aayuno, kung ganito siya ay hindi maaring mag ayuno, ngunit kailangan niyang bayaran ang mga naiwan niyang pag aayuno pagkatapos na siya ay manganak at maging malinis mula sa nifaas… hindi sapat para sa kanya ang fidyah, bagkus kailangan niyang mag ayuno at hindi na kailangan magpakain ng mahirap na tao kung kanya ito gagawin.

Si Shaykh Ibn ‘Uthaymeen ay nagsabi sa al-Sharh al-Mumti’, 6/220, pagkatapos banggitin ang pagkakaiba ng mga opinyon ng mga ulama patungkol sa ruling ng usaping ito, at sa paghahayag ng kanyang pagpanig sa pananaw na kailangan lamang ng babae na magbayad ng pag aayuno:

Ang pananaw na ito ay siyang mas tama sa aking opinyon, dahil sila ay kagaya ng isang may sakit o nagbibiyahe, na kailangan lamang bayaran ang naiwang mga pag aayuno.

ANG PAGDARASAL NG EID BA AY SA MASJID GINAGANAP O SA LABAS?

Ang praktikal na Sunnah ng Propeta sallallahu alayhi wa sallam, ibig sabihin ang kanyang ginawa, ay ang pagiwan sa kanyang masjid para sa pagdarasal ng eid at itaguyod ang pagdarasal na ito sa musalla sa outer gate ng Madinah. Ito ay nakasaad sa Zaad al-Ma’aad ni Ibn al-Qayyim, 1/441.

Si Shaykh Ahmad Shaakir rahimahullah ay nagsabi: Ang pananaw ng mga ulama patungkol dito ay closely connected.

Sa Sharh al-Bukhaari, o pagpapaliwanag sa Saheeh ni al-Bukhaari, ang Hanafi scholar na si al-‘Ayni ay tumalakay sa sumusunod na hadith ni Abu Abu Sa’eed [al-Khudri]:

“Ang mensahero ni Allah sallallahu alayhi wa sallam ay lumalabas tungo sa lugar ng dalasan sa araw ng al-Fitr at al-Adha. Ang pinakaunang bagay na kanyang ginawa ay ang magdasal, at siya ay kikilos at tatayong kaharap sa mga tao, habang ang mga tao ay nananatiling nakaupo sa kanilang mga sufuf, at siya ay maghihikayat sa kanila at magpapayo sa kanila at maguutos sa kanila. At kung gusto niyang e dispatch ang isang [hukbo ng] sundalo ay kanya itong ginagawa, at kung gusto niyang mag-utos ng isang kautosan ay kanya itong ginagawa. At siya ay aalis.” Si Abu Sa’eed ay nagsabi: Ang mga tao ay patuloy na gumawa nito hanggang ako ay lumabas kasama si Marwaan nung siya ang naging gobernador ng Madinah, sa [araw ng] al-Ahda o al-Fitr. Nung kami ay dumating sa lugar na pagdarasalan, naroon ang minbar na ginawa ni Katheer ibn al-Salt. Si Marwaan ay umakyat sa minbar; hinawakan ko ang kanyang damit ngunit kanyang iwinaksi, at siyay umakyat at nagbigay ng khutbah bago ang salah. Sinabi ko sa kanya: “Binago mo ito, wallahi.” Siya ay nagsabi: “O Abu Sa’eed, nawpala na ang iyong nalalaman.” Sinabi ko: “Walllahi, ang aking nalalaman ay mas mainam pa sa hindi ko alam.” Siya ay nagsabi: “Ang mga tao ay hindi umuupo at makikinig sa atin pagkatapos ng salah kaya isinagawa ko ito bago ang salah.” Isinalaysay ni al-Bukhaari, 956; Muslim, 889.

Si Al-‘Ayni ay nagsabi: Ito ay nagpapakita na tayo ay dapat ba lumabas sa musallah at hindi magsagawa ng salaatul eid sa masjid maliban kung kinakailangan. Si Ibn Ziyaad ay nagsalaysay na si Maalik ay nagsabi: Ang Sunnah ay ang lumabas sa musallah maliban sa mga tao sa Makkah, na dapat magdasal sa masjid.

Sa al-Fataawa al-Hindiyyah (vol. 1, p. 118) ay nakasaad: Ang paglabas tungo sa musallah para sa salaatul eid ay Sunnah, kahit pa ang masjid jaami’ ay malaki upang pagkasyahin sila. Ito ang pananaw ng majority na mga Shuyukh at ito ang tamang pananaw.

Sa al-Mudawwanah al-Marwiyah ‘an Maalik (vol. 1, p. 171), si Maalik ay nagsabi: Ang salaatul eid ay hindi dapat isagawa sa dalawang lugar, at sila ay dapat hindi magsagawa ng salah sa kanilang masajid, bagkus lahat sila ay dapat na lumabas dahil ang Propeta sallallahu alayhi wa sallam ay lumabas. At si Ibn Wahb ay nagsalaysay mula kay Yoonus na si Ibn Shihaab ay nagsabi: Ang mensahero ni Allah ay lumalabas tungo sa musallah, at ang mga tao sa mga rehiyon ay sumunod sa sunnah na iyon.

Si Ibn Qudaamah al-Hanbali ay nagsabi sa al-Mughni (vol. 2, no. 229-230): Ang Sunnah ay ang pag aalay ng salaatul eid sa musallah. Ito ay itinagubilin ni Ali at itinuring na mabuti ni al-Awzaa’i at Ashaab al-Ra’i. Ito din ang pananaw ni Ibn al-Mundhir.

Naisalaysay mula sa al-Shaafa’i na kung ang masjid ng isang syudad ay malawak, kung gayon mas mainam na magsalah doon, dahil ito ang pinaka mainam at pinaka puro na lugar. Kaya’t ang mga tao sa Makkah ay nagsalah ng eid sa al-Masjid al-Haraam.

At si Ibn Qudaamah ay sumipi ng ebedensiya upang suportahan ang kanyang pananaw, at nagsabi: Ang aming ebedensiya ay nagpapakita na ang Propeta ay lumalabas tungo sa musallah at iniiwan ang kanyang Masjid, at gayondin ang mga Khulafa pagkatapos niya. Ang Propeta ay hindi ipinagpapalit ang mas mainam na bagay kahit pa ito ay mas malapit at pagaabalahan pa niyang pumunta sa isang imperpektong lugar na mas malayo, at hindi niya itinagubilin para sa kanyang ummah na kanilang ipagpalit ang anomang mabuti at virtuous. Tayo ay inutosan na sumunod sa Propeta at gawin siyang ating halimbawa. Hindi maari na ang bagay na itinagubilin ay imperpekto at ang bagay na ipinagbawal ang perpekto. Walang ulat na ang Propeta ay nag alay ng salaatul eid sa kanyang Masjid maliban kung may reason o excuse. Ito din ng consensus ng mga Muslim. Ang mga tao sa lahat ng panahon at sa lahat ng lugar ay lumabas sa musallah at nag alay ng salaatul eid doon, kahit pa kung ang masjid ay malawak. Ang Propeta ay nag alay ng salaatul eid sa musallah kahit pa ang kanyabg masjid ay isang dakilang lugar.

At ako– si Ahmad Shaakir ang nagsasalita – ay nagsasabi na ang mga salita ni Ibn Qudaamah, “Walang salaysay na ang Propeta ay nag alay ng salaatul eid sa kanyang masjid maliban kung mayroong reason o excuse”, iti ay tumutukoy sa hadith ni Abu Hurayrah na naisalaysay ni al-Haakim sa al-Mustadrak (vol. 1, p. 295): “Umulan sa araw ng Eid, kaya ang Propeta ay nagdasal sa masjid.” Ito ay inuri niya na saheeh (ni al-Haakim) at al-Dhahabi. [At si Ibn al-Qayyim ay nagsabi dito: Kung ang hadith ay napatunayan, ito ay isinalaysay din ss Sunan ni Abi Dawood at Ibn Maajah. Zaad al-Ma’aad, 1/441. Ngunit ito ay inuri na da’eef ni al-Albaani sa Risaalat Salaat al-Eidayn fi’l-Musalla hiya al-Sunnah, at kanyang isinalaysay ang pananaw ni al-Haakim at al-Dhahabi].

Si Imam al-Shaafa’i ay nagsabi sa al-Umm (vol. 1, p. 207): “Aming narinig na ang Mensahero ni Allah ay lumababas sa dalawang eid tungo sa musallah sa Madinah, at ganoon din yaong mga dumating pagkatapos niya, at karamihan sa mga tao sa lahat ng mga bansa, maliban sa Makkah kung saan ay hindi namin narinig ang sinoman sa mga salaf na namuno sa kanila sa salaatul eid maliban sa kanilang masjid. Iniisip ko na ito – Allahu a’lam – ay dahil ang al-Masjid al-Haraam ay ang pinaka mainam na lugar sa mundo, kaya’t hindi nila gustong mag salah sa ibang lugar kung maari.

“Kung mayroong isang lugar at ang masjid ng mga tao dito ay malawak upang e accommodate sila, hindi ko iniisip na sila ay dapat lumabas mula dito, ngunit kung sila ay lumabas, walang mali dito. Kung ito ay lubhang malaki at ang kanilang Imam ay namuno sa kanila ng salah doon, ipinagpapalagay ko na ito ay makrooj ngunit hindi na nila kailangan ulitin ito. Kung mayroong excuse gaya ng ulan etc, sasabihin ko sa kanila na magsalah sa masjid at wag lumabas sa disyerto.”

Ang pantas na si Ibn al-Haaj ay nagsabi sa al-Madkhal (vol. 2, 283): Ang napatunayang Sunnah patungkol sa salaatul eid ay dapat na ito ay isagawa sa musallah, dahil ang Propeta ay nagsabi: “Ang salah na isinagawa sa aking masjid na ito ay mas mainam pa kaysa sa isang libong na isinagawa saan man, maliban sa al-Masjid al-Haraam.” (al-Bukhaari, 1190; Muslim, 1394). Ngunit kahit pa sa napakalaking kainaman na ito siya sallallahu alayhi wa sallam ay lumabas tungo sa musallah at iniwan ang masjid. Ito ay malinaw na nagpatunay na ang utos na lumabas sa musallah para sa salaatul eid ay kumpirmado, kaya ito ang Sunnah. Ayon sa madhhab ni Maalik, ang pag aalay ng salaatul eid sa masjid ay bid’ah, maliban kung may rason kung bakit kailangan itong gawin, kung kaya hindi ito magiging bid’ah, dahil ang Propeta ay hindi gumawa nito pati ang mga khulafa ar-rashideen pagkatapos pagkatapos niya. At ang Propeta ay nag utos sa mga kababaihan na lumabas sa salaatul eid, at kanyang sinabihan ang mga may buwanang dalaw and the women in seclusion na lumabas. Isa sa kanila ay nagsabi, Ya Rasulallah, ang isa sa amin ay walang Jilbaab.” Siya ay nagsabi: “Let her sister lends her a jilbaab so that she may witness goodness and attend the gathering of the Muslims.” (Saheeh al-Bukhari, 324; Saheeh Muslim, 890).

Ang Propeta ay nag utos sa mga babae na lumabas at kanyang itinagubilin ang salah sa labas nang sa gayon ang mga tand ng Islam ay maging lantad.

Ang sunnah ng Propeta na isinalaysay sa saheeh na mga ahadeeth ay nagpapatunay na ang Propeta ay nagsagawa ng salaatul eid sa disyerto sa labas ng siyudad. Ganito kung papaano ito nagpatuloy noong mga sinaunang araw ng Islam, at hindi nila isinagawa ang salaatul eid sa loob ng siyudad maliban kung may rason na kailangan ito isagawa ng ganito, gaya ng ulan.

Ito ang pananaw ng apat na Imam at nang ibang mga ulama at Imam – rahimahumullah. Hindi ko alam ang sinoman na may ibang pananaw, maliban sa pananaw ni al-Shaafa’i na mas preferred niya na ang salaah ay isagawa sa masjid kung ito ay malaki upang pagkasyahin ang lahat ng tao sa siyudad. Kahit pa ganito ang kanyang pananaw ay hindi niya nakitaan ng kamalian ang pagdarasal sa disyerto kahit pa ang masjid ay malaki. At siya ay malinaw na nagsabi na kanyang ipinagpapalagay na makrooh ang pagsasagawa ng salaatul eid sa masjid kung ito ay hindi ganoon kalaki upang pagkasyahin ang mga tao.

Ang mga saheeh na ahadeeth at iba pa, at ang katotohanang ganito kung papaano nila isinagawa ito sa mga sinaunang araw ng Islam, at ang pananaw ng mga ulama, ang lahat ay nagpapatunay na ang pag aalay ng salaatul eid sa masjid ngayon ay bid’ah, kahit pa sa pananaw ni al-Shaafa’i, dahil walang isang masjid sa ating mga siyudad ang magkakasya ang lahat ng tao sa siyudad.

Dagdag pa rito, ito ang Sunnah, na tipunin ang lahat ng tao sa siyudad, lalaki, babae at ang mga bata, upang ang kanilang mga puso ay bumaling kay Allah ba iisa at sila ay magkaisa, na magdarasal sa likod ng isang Imam, na magsasabi “Allaahu akbar” at “Laa ilaaha ill-Allaah”, na magdarasal kay Allah na may ikhlas, na parang sila ay iisa, at nagsasaya sa biyaya na ipinagkaloob sa kanila ni Allah, upang ang eid ay magiging isang totoong eid.

Ang Mensahero ni Allah ay nag utos sa kababaihan na lumabas sa salaatul eid kasama ng mga tao, at wala siyang pinalampas na sinoman mula dito. Hindi nga niya pinalampas yaong mga walang masuot upang lumabas, bagkus ay kanyang inutosan sila na manghiram sa iba. Kanya pa ngang inutosan yaong mayroong excuse upang hindi magsalah na lumabas sa musallah, “upang masaksihan ang kabutihab at dumalo sa pagtitipon ng mga Muslim.”

Ang Propeta at ang mga Khulafa pagkatapos niya, at ang mga gobernador na kanilang itinalaga sa ibat ibang lugar, ay namuno sa mga tao sa pagsasagawa ng salaatul eid, at sila ay magsasalita sa kanila, nanghihikayat sa kanila at nagtuturo sa kanila ng mga bagay na makakabuti sa kanila sa kanilang relihiyoso at makamundong concerns. Sila ay nag uutos sa kanila na magbigay ng sadaqah sa mabiyayang pagtitipon na iyon, kung saan ay binababa ang banal na awa at biyaya.

Naway ang mga Muslim ay sumunod sa Sunnah ng kanilang Propeta at bumuhay sa mga simbolo ng kanilang relihiyon, na sanhi ng pride at tagumpay.

“O you who believe! Answer Allaah (by obeying Him) and (His) Messenger when he calls you to that which will give you life” [al-Anfaal 8:24]

Mula sa kanyang kumentaryo sa Sunan al-Tirmidhi, 2/421-424.