Batas sa isang buntis o nagpapasuso sa pag aayuno sa buwan ng Ramadan

Ang mga ulama ay nagkaiba patungkol sa pagbabatas sa mga nagdadalang tao at nagpapasusong ina kung sila ay hindi mag ayuno. Mayroong iilang opinyon.

1 – Na sila ay kailangan magbayad ng pag aayuno lamang. Ito ang pananaw ni Imam Imam Abu Haneefah. Kabilang sa mga sahaabah, ito ang pananaw ni ‘Ali ibn Abi Taalib.

2 – Na kung sila ay nangangamba para sa kanilang sarili, kailangan nilang bayaran ang pag aayuno lamang, at kung sila ay nangangamba para sa kanilang mga anak sila ay kailangan na magbayad ng pag aayuno at magpakain ng isang mahirap na tao sa kada araw. Ito ang pananaw ni Imam al-Shaafa’i at Imam Ahmad. Si Al-Jassaas ay nagsalaysay din nito mula kay Ibn ‘Umar.

3 – Na sila ay kailangan magpakain lamang ng mahirap, at hindi na kailangan magbayad ng ayuno. Mula sa mga Sahaabah, ito ang pananaw ni ‘Abd-Allaah ibn ‘Abbaas. Si Ibn Qudaamah ay nagsalaysay din nito sa al-Mughni (3/37) mula kay Ibn ‘Umar.

Si Abu Dawood (2318) ay nagsalaysay mula kay Ibn ‘Abbaas at ‘Ali na ang pariralang ito – “yaong mga may kakayahang mag ayuno na may kahirapan” [al-Baqarah 2:184] ay isang concession na ipinagkaloob sa mga matatandang lalaki at matatandang babae na nahihirapang mag ayuno, na nagpapahintulot sa kanila upang hindi mag ayuno at magpakain na lamang ng isang mahirap na tao sa bawat araw, at katulad din ito sa mga nagdadalang tao at nagpapasusong kababaihan kung silay natatakot. Si Abu Dawood ay nagsabi: i.e., para sa kanilang mga anak – sila ay maaring di mag ayuno at magpakain na lamang (ng mahirap na tao). Si Al-Nawawi ay nagsabi: ang isnaad nito ay hasan.

Ito ay isinalaysay din ni al-Bazzaar na nagdagdag sa huli: Si Ibn ‘Abbaas ay nagsabi sa kanyang asawa na buntis: “Ikaw ay katulad ng isa na hindi makakapag ayuno, kaya kailangan mong magbayad ng fidyah ngunit hindi mo na kailangan mag bayad ng mga pagaayuno.” Si Al-Daaraqutni ay nag uri sa isnaad nito bilang saheeh, sa sinabi ni al-Haafiz sa al-Talkhees.

Si Al-Jassaas ay nagsalaysay sa Ahkaam al-Qur’aan na ang mga ulama ay nagkaiba patungkol sa isyu na ito. Kanyang sinabi:

Ang mga salaf ay nagkaiba patungkol sa usaping ito, at mayroong tatlong pananaw. Si ‘Ali ay nagsabi: kailangan nilang bayaran ang pag aayuno kung silay hindi nag ayuno, ngunit hindi na sila kailangan magbayad ng fidyah. Si Ibn ‘Abbaas ay nagsabi: Kailangan nilang magbayad ng fidyah ngunit di na kailangan na bayaran ang pag aayuno. Si Ibn ‘Umar ay nagsabi: kailangan nilang magbayad ng fidyah at bayaran ang pag aayuno.

Yaong mga nagsabi na kailangan lamang nilang bayaran ang pag aayuno ay sumipi sa mga sumusunod bilang patunay:

1 – Ang ulat na isinalaysay ni al-Nasaa’i (2274) mula kay Anas, na ang Propeta ay nagsabi: “Allaah has waived half of the prayer for the traveler, and fasting, and for those who are pregnant and breastfeeding.” Inuri bilang saheeh ni al-Albaani sa Saheeh al-Nasaa’i. Ang Propeta ay nagsabi na ang batas sa nagdadalang tao at nagpapasuso ay kagaya ng batas sa isang manlalakbay. Ang manlalakbay ay maaring di mag ayuno at kailangan itong bayaran, at ito ay kagaya din sa mga buntis at nagpapasusong babae. Tingnan ang Ahkaam al-Qur’aan ni al-Jassaas.

2 – Paghahambing sa may sakit. Kagaya na ang mga may sakit ay pinapahintulotang di mag ayuno at bayaran na lamang ito, ito ay aplikado din sa mga buntis at nagpapasuso. Tingnan ang al-Mughni, 3/37; al-Majmoo’, 6/273.

Ang pananaw na ito ang pinanigan ng iilang mga ulama.

Si Shaykh Ibn Baaz ay nagsabi sa in Majmoo’ al-Fataawa, 15/225.

Ang buntis at nagpapasusong babae ay nasa parehong pambabatas gaya ng mga may sakit. Kung ito ay mahirap sa kanila upang mag ayuno kung gayon itinatagubilin sa kanila na wag mag ayuno, ngunit kailangan nilang bayaran ito kung kanila nang makakaya, gaya ng mga may sakit. Ilang ulama ang nasa pananaw na sapat na para sa kanila na magpakain ng isang mahirap ba tao sa kada araw na kanilang iniwan, ngunit ito ay mahinang pananaw. Ang tamang pananaw ay kailangan nilang bayaran ang mga naiwang pag aayuno, gaya ng mga biyahedor o mga may sakit dahil si Allah ay nagsabi:

“but if any of you is ill or on a journey, the same number (should be made up) from other days” [al-Baqarah 2:184]

Siya ay nagsabi din sa Majmoo’ al-Fataawa, 15/227:

Ang tamang pananaw patungkol sa bagay na ito ay ang buntis at nagpapasuso ay kailangan magbayad ng pag aayuno at ang naisalaysay mula kay Ibn ‘Abbaas at Ibn ‘Umar, na ang mga buntis at nagpapasuso ay kailangan magpakain nalang nga mahirap, ay isang mahinang pananaw na sumasalungat sa ebedensiya ng shari’ah. Si Allah ay nagsabi:

“but if any of you is ill or on a journey, the same number (should be made up) from other days” [al-Baqarah 2:184]

Ang buntis at nagpapasusong babae ay inihalintulad sa may sakit, at hindi napapasailalim sa pambabatas ng mga matatanda na hindi makakapag ayuno. Bagkus sila ay napapasailalim sa pambabatas ng may sakit, kaya kailangan nilang bayaran ang pag aayuno kung makakaya na nila, kahit pa iyon ay “delayed”.

Nakasaad sa Fataawa al-Lajnah al-Daa’imah (10/220):

Kung ang buntis na babae ay nangangamba para sa kanyang sarili o para sa kanyang foetus dahil sa pag aayuno sa Ramadan, maari niyang putulin ang ayuno at bayaran na lamang ang kanyang mga naiwang pag aayuno. Sa ganitong kalagayan siya ay kagaya ng may sakit at hindi kayang mag ayuno o natatakot na ang pag aayuno ay makapipinsala sa kanya. Si Allah ay nagsabi:

“but if any of you is ill or on a journey, the same number (should be made up) from other days” [al-Baqarah 2:184]

Katulad din nito kung ang nagpapasuso ay natatakot para sa kanyang sarili kung kanyang pinapasuso ang kanyang anak sa Ramadan, o siya ay natatakot para sa kanyang anak kung siya ay mag aayuno at hindi siya e breastfeed, maari siyang hindi mag ayuno, at dapat lamang niyang bayaran ang mga naiwan niyang pag aayuno.

Nakasaad din sa Fataawa al-Lajnah al-Daa’imah (10/226):

Ang isang buntis ay kailangan mag ayuno habang siya ay buntis, maliban na lamang kung siya ay nangangamba para sa kanyang sarili o sa kanyang foetus kung siyay mag aayuno, kung ganito siya ay hindi maaring mag ayuno, ngunit kailangan niyang bayaran ang mga naiwan niyang pag aayuno pagkatapos na siya ay manganak at maging malinis mula sa nifaas… hindi sapat para sa kanya ang fidyah, bagkus kailangan niyang mag ayuno at hindi na kailangan magpakain ng mahirap na tao kung kanya ito gagawin.

Si Shaykh Ibn ‘Uthaymeen ay nagsabi sa al-Sharh al-Mumti’, 6/220, pagkatapos banggitin ang pagkakaiba ng mga opinyon ng mga ulama patungkol sa ruling ng usaping ito, at sa paghahayag ng kanyang pagpanig sa pananaw na kailangan lamang ng babae na magbayad ng pag aayuno:

Ang pananaw na ito ay siyang mas tama sa aking opinyon, dahil sila ay kagaya ng isang may sakit o nagbibiyahe, na kailangan lamang bayaran ang naiwang mga pag aayuno.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s