ANG PAGDARASAL NG EID BA AY SA MASJID GINAGANAP O SA LABAS?

Ang praktikal na Sunnah ng Propeta sallallahu alayhi wa sallam, ibig sabihin ang kanyang ginawa, ay ang pagiwan sa kanyang masjid para sa pagdarasal ng eid at itaguyod ang pagdarasal na ito sa musalla sa outer gate ng Madinah. Ito ay nakasaad sa Zaad al-Ma’aad ni Ibn al-Qayyim, 1/441.

Si Shaykh Ahmad Shaakir rahimahullah ay nagsabi: Ang pananaw ng mga ulama patungkol dito ay closely connected.

Sa Sharh al-Bukhaari, o pagpapaliwanag sa Saheeh ni al-Bukhaari, ang Hanafi scholar na si al-‘Ayni ay tumalakay sa sumusunod na hadith ni Abu Abu Sa’eed [al-Khudri]:

“Ang mensahero ni Allah sallallahu alayhi wa sallam ay lumalabas tungo sa lugar ng dalasan sa araw ng al-Fitr at al-Adha. Ang pinakaunang bagay na kanyang ginawa ay ang magdasal, at siya ay kikilos at tatayong kaharap sa mga tao, habang ang mga tao ay nananatiling nakaupo sa kanilang mga sufuf, at siya ay maghihikayat sa kanila at magpapayo sa kanila at maguutos sa kanila. At kung gusto niyang e dispatch ang isang [hukbo ng] sundalo ay kanya itong ginagawa, at kung gusto niyang mag-utos ng isang kautosan ay kanya itong ginagawa. At siya ay aalis.” Si Abu Sa’eed ay nagsabi: Ang mga tao ay patuloy na gumawa nito hanggang ako ay lumabas kasama si Marwaan nung siya ang naging gobernador ng Madinah, sa [araw ng] al-Ahda o al-Fitr. Nung kami ay dumating sa lugar na pagdarasalan, naroon ang minbar na ginawa ni Katheer ibn al-Salt. Si Marwaan ay umakyat sa minbar; hinawakan ko ang kanyang damit ngunit kanyang iwinaksi, at siyay umakyat at nagbigay ng khutbah bago ang salah. Sinabi ko sa kanya: “Binago mo ito, wallahi.” Siya ay nagsabi: “O Abu Sa’eed, nawpala na ang iyong nalalaman.” Sinabi ko: “Walllahi, ang aking nalalaman ay mas mainam pa sa hindi ko alam.” Siya ay nagsabi: “Ang mga tao ay hindi umuupo at makikinig sa atin pagkatapos ng salah kaya isinagawa ko ito bago ang salah.” Isinalaysay ni al-Bukhaari, 956; Muslim, 889.

Si Al-‘Ayni ay nagsabi: Ito ay nagpapakita na tayo ay dapat ba lumabas sa musallah at hindi magsagawa ng salaatul eid sa masjid maliban kung kinakailangan. Si Ibn Ziyaad ay nagsalaysay na si Maalik ay nagsabi: Ang Sunnah ay ang lumabas sa musallah maliban sa mga tao sa Makkah, na dapat magdasal sa masjid.

Sa al-Fataawa al-Hindiyyah (vol. 1, p. 118) ay nakasaad: Ang paglabas tungo sa musallah para sa salaatul eid ay Sunnah, kahit pa ang masjid jaami’ ay malaki upang pagkasyahin sila. Ito ang pananaw ng majority na mga Shuyukh at ito ang tamang pananaw.

Sa al-Mudawwanah al-Marwiyah ‘an Maalik (vol. 1, p. 171), si Maalik ay nagsabi: Ang salaatul eid ay hindi dapat isagawa sa dalawang lugar, at sila ay dapat hindi magsagawa ng salah sa kanilang masajid, bagkus lahat sila ay dapat na lumabas dahil ang Propeta sallallahu alayhi wa sallam ay lumabas. At si Ibn Wahb ay nagsalaysay mula kay Yoonus na si Ibn Shihaab ay nagsabi: Ang mensahero ni Allah ay lumalabas tungo sa musallah, at ang mga tao sa mga rehiyon ay sumunod sa sunnah na iyon.

Si Ibn Qudaamah al-Hanbali ay nagsabi sa al-Mughni (vol. 2, no. 229-230): Ang Sunnah ay ang pag aalay ng salaatul eid sa musallah. Ito ay itinagubilin ni Ali at itinuring na mabuti ni al-Awzaa’i at Ashaab al-Ra’i. Ito din ang pananaw ni Ibn al-Mundhir.

Naisalaysay mula sa al-Shaafa’i na kung ang masjid ng isang syudad ay malawak, kung gayon mas mainam na magsalah doon, dahil ito ang pinaka mainam at pinaka puro na lugar. Kaya’t ang mga tao sa Makkah ay nagsalah ng eid sa al-Masjid al-Haraam.

At si Ibn Qudaamah ay sumipi ng ebedensiya upang suportahan ang kanyang pananaw, at nagsabi: Ang aming ebedensiya ay nagpapakita na ang Propeta ay lumalabas tungo sa musallah at iniiwan ang kanyang Masjid, at gayondin ang mga Khulafa pagkatapos niya. Ang Propeta ay hindi ipinagpapalit ang mas mainam na bagay kahit pa ito ay mas malapit at pagaabalahan pa niyang pumunta sa isang imperpektong lugar na mas malayo, at hindi niya itinagubilin para sa kanyang ummah na kanilang ipagpalit ang anomang mabuti at virtuous. Tayo ay inutosan na sumunod sa Propeta at gawin siyang ating halimbawa. Hindi maari na ang bagay na itinagubilin ay imperpekto at ang bagay na ipinagbawal ang perpekto. Walang ulat na ang Propeta ay nag alay ng salaatul eid sa kanyang Masjid maliban kung may reason o excuse. Ito din ng consensus ng mga Muslim. Ang mga tao sa lahat ng panahon at sa lahat ng lugar ay lumabas sa musallah at nag alay ng salaatul eid doon, kahit pa kung ang masjid ay malawak. Ang Propeta ay nag alay ng salaatul eid sa musallah kahit pa ang kanyabg masjid ay isang dakilang lugar.

At ako– si Ahmad Shaakir ang nagsasalita – ay nagsasabi na ang mga salita ni Ibn Qudaamah, “Walang salaysay na ang Propeta ay nag alay ng salaatul eid sa kanyang masjid maliban kung mayroong reason o excuse”, iti ay tumutukoy sa hadith ni Abu Hurayrah na naisalaysay ni al-Haakim sa al-Mustadrak (vol. 1, p. 295): “Umulan sa araw ng Eid, kaya ang Propeta ay nagdasal sa masjid.” Ito ay inuri niya na saheeh (ni al-Haakim) at al-Dhahabi. [At si Ibn al-Qayyim ay nagsabi dito: Kung ang hadith ay napatunayan, ito ay isinalaysay din ss Sunan ni Abi Dawood at Ibn Maajah. Zaad al-Ma’aad, 1/441. Ngunit ito ay inuri na da’eef ni al-Albaani sa Risaalat Salaat al-Eidayn fi’l-Musalla hiya al-Sunnah, at kanyang isinalaysay ang pananaw ni al-Haakim at al-Dhahabi].

Si Imam al-Shaafa’i ay nagsabi sa al-Umm (vol. 1, p. 207): “Aming narinig na ang Mensahero ni Allah ay lumababas sa dalawang eid tungo sa musallah sa Madinah, at ganoon din yaong mga dumating pagkatapos niya, at karamihan sa mga tao sa lahat ng mga bansa, maliban sa Makkah kung saan ay hindi namin narinig ang sinoman sa mga salaf na namuno sa kanila sa salaatul eid maliban sa kanilang masjid. Iniisip ko na ito – Allahu a’lam – ay dahil ang al-Masjid al-Haraam ay ang pinaka mainam na lugar sa mundo, kaya’t hindi nila gustong mag salah sa ibang lugar kung maari.

“Kung mayroong isang lugar at ang masjid ng mga tao dito ay malawak upang e accommodate sila, hindi ko iniisip na sila ay dapat lumabas mula dito, ngunit kung sila ay lumabas, walang mali dito. Kung ito ay lubhang malaki at ang kanilang Imam ay namuno sa kanila ng salah doon, ipinagpapalagay ko na ito ay makrooj ngunit hindi na nila kailangan ulitin ito. Kung mayroong excuse gaya ng ulan etc, sasabihin ko sa kanila na magsalah sa masjid at wag lumabas sa disyerto.”

Ang pantas na si Ibn al-Haaj ay nagsabi sa al-Madkhal (vol. 2, 283): Ang napatunayang Sunnah patungkol sa salaatul eid ay dapat na ito ay isagawa sa musallah, dahil ang Propeta ay nagsabi: “Ang salah na isinagawa sa aking masjid na ito ay mas mainam pa kaysa sa isang libong na isinagawa saan man, maliban sa al-Masjid al-Haraam.” (al-Bukhaari, 1190; Muslim, 1394). Ngunit kahit pa sa napakalaking kainaman na ito siya sallallahu alayhi wa sallam ay lumabas tungo sa musallah at iniwan ang masjid. Ito ay malinaw na nagpatunay na ang utos na lumabas sa musallah para sa salaatul eid ay kumpirmado, kaya ito ang Sunnah. Ayon sa madhhab ni Maalik, ang pag aalay ng salaatul eid sa masjid ay bid’ah, maliban kung may rason kung bakit kailangan itong gawin, kung kaya hindi ito magiging bid’ah, dahil ang Propeta ay hindi gumawa nito pati ang mga khulafa ar-rashideen pagkatapos pagkatapos niya. At ang Propeta ay nag utos sa mga kababaihan na lumabas sa salaatul eid, at kanyang sinabihan ang mga may buwanang dalaw and the women in seclusion na lumabas. Isa sa kanila ay nagsabi, Ya Rasulallah, ang isa sa amin ay walang Jilbaab.” Siya ay nagsabi: “Let her sister lends her a jilbaab so that she may witness goodness and attend the gathering of the Muslims.” (Saheeh al-Bukhari, 324; Saheeh Muslim, 890).

Ang Propeta ay nag utos sa mga babae na lumabas at kanyang itinagubilin ang salah sa labas nang sa gayon ang mga tand ng Islam ay maging lantad.

Ang sunnah ng Propeta na isinalaysay sa saheeh na mga ahadeeth ay nagpapatunay na ang Propeta ay nagsagawa ng salaatul eid sa disyerto sa labas ng siyudad. Ganito kung papaano ito nagpatuloy noong mga sinaunang araw ng Islam, at hindi nila isinagawa ang salaatul eid sa loob ng siyudad maliban kung may rason na kailangan ito isagawa ng ganito, gaya ng ulan.

Ito ang pananaw ng apat na Imam at nang ibang mga ulama at Imam – rahimahumullah. Hindi ko alam ang sinoman na may ibang pananaw, maliban sa pananaw ni al-Shaafa’i na mas preferred niya na ang salaah ay isagawa sa masjid kung ito ay malaki upang pagkasyahin ang lahat ng tao sa siyudad. Kahit pa ganito ang kanyang pananaw ay hindi niya nakitaan ng kamalian ang pagdarasal sa disyerto kahit pa ang masjid ay malaki. At siya ay malinaw na nagsabi na kanyang ipinagpapalagay na makrooh ang pagsasagawa ng salaatul eid sa masjid kung ito ay hindi ganoon kalaki upang pagkasyahin ang mga tao.

Ang mga saheeh na ahadeeth at iba pa, at ang katotohanang ganito kung papaano nila isinagawa ito sa mga sinaunang araw ng Islam, at ang pananaw ng mga ulama, ang lahat ay nagpapatunay na ang pag aalay ng salaatul eid sa masjid ngayon ay bid’ah, kahit pa sa pananaw ni al-Shaafa’i, dahil walang isang masjid sa ating mga siyudad ang magkakasya ang lahat ng tao sa siyudad.

Dagdag pa rito, ito ang Sunnah, na tipunin ang lahat ng tao sa siyudad, lalaki, babae at ang mga bata, upang ang kanilang mga puso ay bumaling kay Allah ba iisa at sila ay magkaisa, na magdarasal sa likod ng isang Imam, na magsasabi “Allaahu akbar” at “Laa ilaaha ill-Allaah”, na magdarasal kay Allah na may ikhlas, na parang sila ay iisa, at nagsasaya sa biyaya na ipinagkaloob sa kanila ni Allah, upang ang eid ay magiging isang totoong eid.

Ang Mensahero ni Allah ay nag utos sa kababaihan na lumabas sa salaatul eid kasama ng mga tao, at wala siyang pinalampas na sinoman mula dito. Hindi nga niya pinalampas yaong mga walang masuot upang lumabas, bagkus ay kanyang inutosan sila na manghiram sa iba. Kanya pa ngang inutosan yaong mayroong excuse upang hindi magsalah na lumabas sa musallah, “upang masaksihan ang kabutihab at dumalo sa pagtitipon ng mga Muslim.”

Ang Propeta at ang mga Khulafa pagkatapos niya, at ang mga gobernador na kanilang itinalaga sa ibat ibang lugar, ay namuno sa mga tao sa pagsasagawa ng salaatul eid, at sila ay magsasalita sa kanila, nanghihikayat sa kanila at nagtuturo sa kanila ng mga bagay na makakabuti sa kanila sa kanilang relihiyoso at makamundong concerns. Sila ay nag uutos sa kanila na magbigay ng sadaqah sa mabiyayang pagtitipon na iyon, kung saan ay binababa ang banal na awa at biyaya.

Naway ang mga Muslim ay sumunod sa Sunnah ng kanilang Propeta at bumuhay sa mga simbolo ng kanilang relihiyon, na sanhi ng pride at tagumpay.

“O you who believe! Answer Allaah (by obeying Him) and (His) Messenger when he calls you to that which will give you life” [al-Anfaal 8:24]

Mula sa kanyang kumentaryo sa Sunan al-Tirmidhi, 2/421-424.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s