Khutba: Ang Masamang Dulot ng Pagmamataas Laban sa Allah 

Khatib : Ustadh Muhammad ibn Ismail

الخطبة الأولى

إِنَّ الْحَمْدَ لِلَّهِ نَحْمَدُهُ وَنَسْتَعِيْنُهُ وَنَسْتَغْفِرُهُ وَنَتُوْبُ إِلَيْهِ, وَنَعُوْذُ بِاللهِ مِنْ شُرُوْرِ أَنْفُسِنَا وَمِنْ سَيِّئَاتِ أَعْمَالِنَا. مَنْ يَهْدِهِ اللهُ فَلاَ مُضِلَّ لَهُ وَمَنْ يُضْلِلْ فَلاَ هَادِيَ لَهُ. وَأَشْهَدُ أَنْ لاَ إِلَهَ إِلاَّ اللهُ وَحْدَهُ لاَ شَرِيْكَ لَهُ وَأَشْهَدُ أَنَّ مُحَمَّدًا عَبْدُهُ وَرَسُوْلُهُ. بَعَثَهُ اللهُ بِالْهُدَى وَدِيْنِ الْحَقِّ وَبَلَغَ الرِّسَالَةَ وَأَدَّى اْلأَمَانَةَ وَنَصَحَ أُمَّتَهُ وَجَاهَدَ فِي اللهِ حَقَّ جِهَادِهِ, فَصَلَوَاتُ اللهِ وَسَلاَمُهُ عَلَيْهِ وَعَلَى آلِهِ وَأَصْحَابِهِ وَمَنْ تَبِعَهُمْ بِإِحْسَانٍ إِلَى يَوْمِ الدِّيْنِ. أَمَّا بَعْدُ

قال الله تعالى: ((هُوَ اللَّهُ الَّذِي لا إِلَهَ إِلاَّ هُوَ الْمَلِكُ الْقُدُّوسُ السَّلامُ الْمُؤْمِنُ الْمُهَيْمِنُ الْعَزِيزُ الْجَبَّارُ الْمُتَكَبِّرُ سُبْحَانَ اللَّهِ عَمَّا يُشْرِكُونَ * هُوَ اللَّهُ الْخَالِقُ الْبَارِئُ الْمُصَوِّرُ لَهُ الأَسْمَاء الْحُسْنَى يُسَبِّحُ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالأَرْضِ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ)) الحشر:23-24

Oh ikaw na alipin ng Allah! Katakutan mo ang Allah ng tunay na pagkatakot at iligtas mo ang iyong sarili mula sa apoy ng Impiyerno.

Siya ang Allah, Ang Maluwalhati at Dalisay. Ang lahat ng pagpupuri ay sa Kanya lamang. Siya ang Allah, ang Pinakadakila at walang sinumang diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya.

Oh ikaw na alipin ng Allah! Ano’ng karapatan mong magmalaki at magmataas laban sa Allah? Gayung katotohanan na ikaw ay nilikha lamang Niya at ikaw ay nanggaling mula sa semilya.
قال الله تعالى: ((مِنْ أَيِّ شَيْءٍ خَلَقَهُ * مِن نُّطْفَةٍ خَلَقَهُ فَقَدَّرَهُ)) عبس:18-19

Sabi ng Allah : “Mula sa anong bagay siya ay nilikha ng Allah? * Siya ay nilikha lamang mula sa semilya…”

Oh ikaw na alipin ng Allah! Sino ka sa palagay mo upang suwayin at labagin ang mga ipinag-uutos niya? Gayung alam mo na walang sinumang nagbigay ng buhay sa iyo, maliban sa Allah! Gayung alam mo na walang sinumang nagpapakain sa iyo, maliban sa Allah! Gayung alam mo na walang sinumang nagpadamit sa iyo at nagbigay ng mga pangangailangan mo, maliban sa Kanya, ang Allah (subhanahu wa ta’ala).

قَالَ اللهُ تَعَالَى فِي الْحَدِيْثِ الْقُدْسِي : ((يَا عِبَادِي كُلُّكُمْ جَائِعٌ إِلاَّ مَنْ أَطْعَمْتُهُ فَاسْتَطْعِمُوْنِي أُطْعِمْكُمْ, يَا عِبَادِي كُلُّكُمْ عَارٍ إِلاَّ مَنْ كَسَوْتُهُ فَاسْتَكْسُوْنِي أَكْسُكُمْ…))

Nabanggit sa Hadith Qudsi:

Sinabi ng Rasulullah (sallallahu ‘alayhi wa sallam): Ang Allah ay nagsabi: “Oh Aking mga alipin! Lahat kayo ay gutom maliban lamang sa binigyan ko ng pagkain (maliban lamang sa aking pinakain). Humingi kayo sa Akin ng pagkain at kayo ay Aking pakakainin. Oh Aking mga alipin! Lahat kayo ay hubad (lahat kayo ay walang kasuotan), maliban lamang sa binigyan Ko ng damit (maliban lamang sa Aking pinadamit). Humingi kayo sa Akin ng damit at kasuotan at kayo ay Aking padadamitin.

Oh ikaw na alipin ng Allah! Kapag iyong nilabag at sinuway ang mga kautusan ng Allah at nagmayabang, nagmalaki, nagmataas laban sa Kanya, Katotohanang ikaw ay mapapabilang sa mga naligaw, mapapabilang sa mga nalugi, at mapapabilang sa mga maninirahan sa apoy ng Impiyerno. Mapagkumbaba ka sa Allah ng tunay na pagpapakumbaba. Sumunod ka sa Allah ng tunay na pagsunod. At matakot ka sa Allah ng tunay na pagkatakot.

At bakit? Anong bagay o ari-arian ang ipagmamalaki mo laban sa Allah (subhanahu wa ta’ala)?

فَوَ اللهِ الَّذِي لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي اْلأَرْضِ!

Gayung katotohanan na ang lahat ng mga bagay na nasa pitong baitang ng langit at pitong baitang ng lupa, nakikita mo man o hindi, naririnig mo man o hindi, nararamdaman mo man o hindi, nalalaman mo man o hindi, ay tanging ang Allah lamang ang nagmamay-ari. O ipagmamalaki mo laban sa Allah ang iyong katungkulan, ang iyong puwesto sa gobyerno, ang iyong kinalalagyan?

إِنَّ اللهَ هُوَ الْمَلِكُ اْلمُلْكُ!

Gayung katotohanan na ang Allah ay Siya ang Kapangyarihan, Siya ang may kapangyarihan, Siya ang May-ari ng kapangyarihan,Ang Hari ng mga hari. O ipagmamalaki mo ang iyong galing, ang iyong laki, ang iyong lakas laban sa Allah?

لاَ حَوْلَ وَلاَ قُوَّةَ إِلاَّ بِاللهِ!

O magmamataas ka dahil ikaw ay nagmula sa marangya at mayamang pamilya at angkang karespe-respeto at kagalang-galang? O dahil ikaw ay higit na guwapo o maganda kaysa sa iba?

وَمَنْ أَنْتَ حَتَّى تَفْعَلَ هَذَا؟!

Sino ka upang gawin ang mga bagay na iyan?!

Katotohanang ang lahat ng bagay, nakikita man natin o hindi, naririnig man natin o hindi, nalalaman man natin o hindi, nararamdaman man natin o hindi, lahat ng ito ay nilikha ng Allah (subhanahu wa ta’ala). Lahat ng bagay na ito ay mula sa Allah at patungo sa Allah! Ni katiting ay wala kang pag-aari sa mga nilikhang ito. Kaya’t wala kang dapat gawin maliban lamang na sundin ang anumang kautusan Niya, umiwas sa mga ipinagbabawal Niya at gawin ng wasto tungo sa landas Niya ang anumang ipinagkatiwala Niya sa iyo.

Oh ikaw na alipin ng Allah! Nalalaman mo bang ang dahilan kung bakit ang Iblis o ang Shaytan ay pinalabas ng Paraiso? Dahil sa kanyang inggit, pagmamayabang at pagsuway sa utos ng Allah na magpatirapa o magsujud kay Adam AS at siya ay hindi nagpatirapa. Inutusan ng Allah ang Kanyang mga Anghel at ang Iblis na magsujud kay Adam at ang mga Anghel ay nagsujud at ang Iblis ay sumuway. At dahil sa inggit niyang ito, dahil sa pagmamataas niyang ito at pagsuway as autos ng Allah siya ay pinalabas ng Paraiso.

O ikaw na alipin ng Allah! Mula ngayon ay mag-isip ka ng mabuti. Mag-isip ka ng malalim para sa iyong sarili. Tanungin mo ang iyong sarili: “Nasaan na ang mga taong nagmalaki at nagmataas laban sa Allah? Katulad nila Fir’aun, Namrud at Abu Lahab (LA’NATULLAHI ALAYHIM) ang galit at sumpa ng Allah ay mapasakanila. Kapag sinunod mo silang mga nagmataas at nagmalaki at silang mga sumuway sa Allah matitikman mo rin ang kamatayan! Darating din ang iyong oras! At makikita mo, mararamdaman mo, at iyong matitikman ang kapalit ng mga ginawa mo ditto sa mundo!

Ano ang sabi ng Allah (subhanahu wa ta’ala) laban sa kanila?

قال تعالى: ((وَالَّذِينَ كَذَّبُواْ بِآيَاتِنَا وَاسْتَكْبَرُواْ عَنْهَا أُوْلَئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ)) سورة الأعلااف:36

Sabi ng Allah: “At yung mga tao na nagpasinungaling sa aming mga tanda (mga Aklat, mga Batas…) at nagmataas laban dito. Sila yaong mga nagmamay-ari (mga maninirahan) sa Impiyerno at doon sila’y maninirahan ng walang hanggan”.

و قال أيضا: ((لاَ تُفَتَّحُ لَهُمْ أَبْوَابُ السَّمَاء وَلاَ يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ حَتَّى يَلِجَ الْجَمَلُ فِي سَمِّ الْخِيَاطِ وَكَذَلِكَ نَجْزِي الْمُجْرِمِينَ)) سورة الأعراف:40

At sabi pa ng Allah: “Hindi bubuksan sa kanila ang mga pintuan ng langit, at hindi sila makakapasok ng Paraiso maliban na lamang kung makapasok ang kamelyo sa butas ng karayom…”


الخطبة الثانية

الْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِيْنَ وَالصَّلاَةُ وَالسَّلاَمُ عَلَى أَشْرَفِ اْلأَنْبِيَاءِ وَالْمُرْسَلِيْنَ نَبِيِّيْنَا مُحَمَّدٍ وَعلى آلِهِ وَصَحْبِهِ أَجْمَعِيْنَ. أَمَّا بَعْدُ:

قَالَ اللهُ تَعَالَى : ((يَا أَيُّهَا الَّذِيْنَ آمَنُوْا اتَّقُوْا اللهَ حَقَّ تُقَاتِهِ وَلاَ تَمُوْتُنَّ إِلاَّ وَأَنْتُمْ مُسْلِمُوْنَ)) آلِ عِمْرَان:102
Sabi ng Allah (subhanahu wa ta’ala): “ O kayong mga mananampalataya! Matakot kayo sa Allah ng tunay na pagkatakot sa Kanya, at huwag na huwag kayong mamamatay maliban lamang na kayo ay mga Muslim.”

Oh ikaw na alipin ng Allah! Magpakumbaba ka sa Allah sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya sa iyo at pag-iwas sa mga ipinagbabawal Niya sa iyo. At kapag nagpakumbaba ka sa Kanya, pagagaanin Niya ang pamumuhay mo dito sa mundo at higit sa lahat ay papasukin ka Niya sa Paraiso at doon ay maninirahan ka ng walang hanggan, ng walang katapusan.

Isa sa ating mga guro sa Islam ang narinig ko na nagsabi, sabi niya: “Pupuwede… Maaari kang magmataas, magmalaki at magmayabang laban sa Allah (subhanahu wa ta’ala).” Lahat kami ay nagulat sa kanyang sinabi, at siya’y nagpatuloy, sabi niya: “Pupuwede kang magmataas laban sa Allah doon sa lugar at lupa na hindi Niya pag-aari. Doon sa lugar na hindi nasa ilalim ng Kanyang langit at doon sa lugar na ikaw ay naroroon na di ka Niya nakikita. At pag nagawa mong magtago at makaligtas sa paningin ng Allah. Gawin mo ang anumang bagay na ibigin mo! Gawin mo ang anumang bagay na gusto mo! At huwag na huwag kang kakain sa pagkaing mula sa Allah! At huwag na huwag kang hihinga sa hangin ng Allah dahil katotohanang iyon ay pag-aari mo!

Magpakupkop tayo sa Allah mula sa kayabangan, mula sa mapanirang luho ng sarili at mula sa mapanirang Shaytan.

اَللَّهُمَّ صَلِّ عَلَى مُحَمَّدٍ وَعَلَى آلِ مُحَمَّدٍ، كَمَا صَلَّيِتَ عَلَى إِبْرَاهِيْمَ وَعَلَى آلِ إِبْرَاهِيْمَ, إِنَّكَ حَمِيْدٌ مَجِيْدٌ. وَبَارِكْ عَلَى مُحَمَّدٍ وَعَلَى آلِ مُحَمَّدٍ كَمَا بَارَكْتَ عَلَى إِبْرَاهِيْمَ وَعَلَى آلِ إِبْرَاهِيْمَ, إِنَّكَ حَمِيْدٌ مَجِيْدٌ.
رَبَّنَا تَقَبَّلْ مِنَّا إِنَّكَ أَنتَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ
رَبَّنَا وَاجْعَلْنَا مُسْلِمَيْنِ لَكَ وَمِن ذُرِّيَّتِنَا أُمَّةً مُّسْلِمَةً لَّكَ وَأَرِنَا مَنَاسِكَنَا وَتُبْ عَلَيْنَا إِنَّكَ أَنتَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ
رَبَّنَا وَابْعَثْ فِيهِمْ رَسُولاً مِّنْهُمْ يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِكَ وَيُعَلِّمُهُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَيُزَكِّيهِمْ إِنَّكَ أَنتَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
رَبَّنَا أَفْرِغْ عَلَيْنَا صَبْرًا وَثَبِّتْ أَقْدَامَنَا وَانصُرْنَا عَلَى الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ
رَبَّنَا لاَ تُؤَاخِذْنَا إِن نَّسِينَا أَوْ أَخْطَأْنَا رَبَّنَا وَلاَ تَحْمِلْ عَلَيْنَا إِصْرًا كَمَا حَمَلْتَهُ عَلَى الَّذِينَ مِن قَبْلِنَا رَبَّنَا وَلاَ تُحَمِّلْنَا مَا لاَ طَاقَةَ لَنَا بِهِ وَاعْفُ عَنَّا وَاغْفِرْ لَنَا وَارْحَمْنَا أَنتَ مَوْلانَا فَانصُرْنَا عَلَى الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ
رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الآخِرَةِ حَسَنَةً وَقِنَا عَذَابَ النَّارِ

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s