Ang nakaraan ay lumisan na nang lubusan

Sa pamamagitan ng malungkot na pag-iisip-isip sa nakaraan at sa mga trahedya nito, ang sinuman ay naglalantad ng isang anyo ng pagkabaliw – isang uri ng sakit na nagwawasak sa kapasiyahan na mabuhay sa pangkasalukuyang sandali. Yaong mayroong matatag na layunin ay nagtalaksan ng patapon at kinalimutan ang mga pangyayari ng nakaraan, na hindi na kailanman makakakita ng liwanag, sapagkat ito ay umuokupa ng madilim na lugar sa kaibuturan ng isipan. Ang mga kuwento ng nakaraan ay tinutuldukan; ang kalungkutan ay hindi makapagpapanumbalik sa mga ito, ang kapanglawan ay hindi makakagawa sa mga bagay na maging wasto, at ang kalumbayan ay hindi kailanman makapagpapanumbalik sa nakaraan sa buhay (na ito). Ito’y sa dahilang ang nakaraan ay hindi na nananatili pa.

Huwag mabuhay sa masamang panaginip ng unang panahon o sa ilalim ng anino ng iyong nalagpasan. Iligtas mo ang iyong sarili sa tila multong pagpapakita ng nakaraan. Napag-aakala mo ba na maibabalik mo ang araw sa kanyang lugar ng pagsikat, ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina, ang gatas sa suso, o ang mga luha sa mata? Sa patuloy na pamumuhay sa nakaraan at sa mga pangyayari nito, iyong inilagay ang iyong sarili sa pinaka-nakatatakot at kalunus-lunos na kalagayan ng isipan.

Ang labis na pagbabasa sa nakaraan ay isang pag-aaksaya sa pangkasalukuyan. Nang si Allah ay bumanggit sa pangyayari ng nakaraang mga bayan (bansa), Siya ang Kataas-taasan ay nagwika:
Sila ang mga tao [pamayanan] na nagsipanaw na. (Qur’an 2: 134)

Ang nakaraang araw ay lumisan at natapos na, at ikaw ay walang mapapakinabangan sa paggawa ng isang awtopsiya sa mga ito, sa pamamagitan ng pagbabalik-muli sa gulong ng kasaysayan.

Ang tao na nabubuhay sa nakaraan ay katulad ng isa na nagtatangka na makakita ng kusot. Sa sinaima, nakahiratihan nang sabihin: “Huwag mong alisin ang patay sa kanilang libingan.”

Ang ating trahedya ay yaong tayo ay walang kakayahan na pakitunguhan ang nakaraan: na nagpapabaya sa ating magagandang kastilyo, tayo ay nananangis sa mga guhong gusali. Kung ang bawat tao at bawat Jinn ay magsasanib upang ibalik ang nakaraan, sila ay katiyakan na mabibigo. Ang lahat ng nasa kalupaan ay nagmamartsa ng pasulong, na naghahanda sa bagong klima, – at marapat mo ring gawin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s