Makasalanan

Mula ulo hanggang paa – dugo ang nakayakap sa aking katawan. Hindi ko pa man nalalasap ang aking unang paghinga, ako na’y binansagang makasalanan. Sa akin ibinato ang isang kasalanang minana. Sa akin ipinako ang isang pangalang pag-aari ng iba.

Sa isang malaking tahanan, ako’y kanilang dinala. Isang tahanan kung saan ginto ang mga tinidor at kutsara. Isang baso ng tubig ang sa akin ay ibinuhos. Hindi man ito mainit, ngunit ang aking balat ay nalalapnos.

Sa kahoy ako’y kanilang inihiga – ang mismong kahoy kung saan ang kanilang sinasamba ay gawa. Sa kanilang mga noo, abo ang nakadikit – ang mismong abong anino nila sa kanilang pagdilat at pagpikit. Kanilang mga bibig, panghuhusga ang sinusuka – ang mga bibig na nabubusog sa sariling salita. Kanilang mga daliri ay nagtuturo – ang mga daliring may madudumi’t mahahabang kuko.

Ako’y isang sanggol na pinalilibutan ng mga anghel na huwad. Mga anghel na ang mga sungay ay panandaliang hinubad. Ako’y pinandidilatan ng mga makasariling mata. Ako’y isang sanggol na hindi pa man nahihipo ng araw ay isa nang makasalanan mula ulo hanggang paa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s