Mufti Efbee

Tanong: Ano ang masasabi mo sa mga mangangaral ngayon sa facebook na nagbibigay ng fatwah kahit hindi naman nila ito saklaw?

Sagot: Alhamdulillah dahil tayo ay ginabayan ni Allah sa landas ng katotohanan, kung saan sinunod ng mga Propeta at mga sugo at ng mga matutuwid.
Sinabi ni Hudhayfah

 إنما يفتي الناس أحد ثلاثة : من يعلم ما نُسخ من القرآن ، أو أمير لا يجد بُدّا ، أو أحمق متكلف .

“Ang isang taong nagbibigay ng fatwah sa mga tao ay kabilang sa tatlo: marahil alam niya kung ano ang nuskh minal qur’an (yung mga abrogated verses), o isang pinuno na no choice (kundi mag isyu ng fatwah), o siyay isang luko-luko na gumagawa ng bagay na hindi niya trabaho.”

Kaya, ang mga mangangaral na ito na kahit hindi nila saklaw ang pagbibigay ng fatwah ngunit nagbibigay parin ng fatwah, talo pa ang mga nakapag aral, ay isang luko-luko na tinatrabaho ang hindi niya gawain. Kung ikaw ay matino, bat ka nagbibigay hatol jan kung ikaw ay isa lamang DJ?
Si Sahnoon ibn Saed ay nagsabi:

أجسر الناس على الفتيا أقلهم علما ، يكون عند الرجل الباب الواحد من العلم يظن أن الحق كله فيه .

“Ang pinaka pangahas na tao sa pagbibigay ng fatwah ay siyang may kakaunting kaalaman; marahil ang isang tao ay may pang unawa sa isang pintuan (o sanga) ng kaalaman, at iniisip niya na ang buong katotohanan ay nandito na.”

Kaya, ang isang taong natuto lamang ng pagbasa ng arabic at nalaman ang meaning nito sa mga translations, na bigla na lamang naging instant mufti dahil feeling niya ay nalaman na niya ang buong katotohanan; ang taong ito ay nananaginip ng gising at dapat patikimin ng hampas ng awa upang magising sa katotohanang ang kanyang naabot ay hindi pa sapat upang bigyan siya ng lisensiya para maging tagapaghatol at tagapagbatas. Dahil sa liit ng kaalaman ng taong ito ay mas malapit siya sa pagkaligaw dahil kung ang totoong nakapag aral ay nagkakamali, paano ka nalang? Saan mo ilalagay ang sarili mo?

Kung hindi mo saklaw ang pagbibigay ng fatwah wag mo nalang itong pasukin. Hayaan mong ang totoong may kakayahan ang mag trabaho nito at ito ay makabubuti sa iyo dahil makakaligtas ka sa kamalian. Ngunit kung gusto mo talaga itong pasukin, mag aral ka ng totoong pag aaral at respetohin mo ang iyong sarili, mag sakripisyo ka sa pamamagitan ng pagsaulo ng mga batas at iba pang kinakailangang kaalaman para maging isa kang taong kwalipikadong magbigay batas. Kung sa tingin mo ay hindi mo na kayang mag aral, no choice, umupo ka nalang at atupagin ang iyong trabaho. Kung magaling ka sa paghuhugas ng plato walang makakatalo sa iyo. Kung magaling ka ng bibliya, ok area mo yan at gawin mo ang nararapat. Pero kung ang galing mong yan sa tingin mo ay nagbigay sa iyo ng lisensiya para mag fatwah, mali ka.

Hindi din nakukuha sa galing ng pagsasalita ang bagay na ito, at lalong hindi sa dami ng membro ng iyong fans club.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s