Pag gamit ng Bibliya sa Da’wah


Tanong: Maraming nagsasabi na kailangan daw gamitin ang bibliya sa da’wah dito sa Pilipinas dahil ang mga dinadawahan natin ay mga Kristiyano. Hindi nila maiintindihan kung Qur’an lang ang gamitin at hindi nila paniniwalaan ito.

Sagot: Oo, marami nga ang nagsabi na kailangan gamitin ang Bibliya sa dawah pero sa dami nila ay hindi nakasama ang Propeta, mga sahabah at sinomang salaf at matutuwid na Muslim noon. karamihan sa mga nagsabing kailangan ang bible ay hirap makabasa ng arabic kaya no choice sa Bibliya ang bagsak lalo na kung dating Kristiyano.

Gusto ko lang linawin na ang pag gamit ng bible sa da’wah ay hindi ko minamasama, ngunit may mga pamantayan tayo sa pag gamit nito.

1- dapat wag kang mag focus dito na para kang pari.
2- unahin mo muna ang pag aaral at pagtuturo ng Qur’an dahil may gantimpala dito. Maraming mga hadith ang tumutukoy sa mga gantimpala at kahigtan ng pagtuturo ng Qur’an gaya na lamang ng khayrukum man ta’allamal Qur’an o ang pinakamabuti sa inyo ay ang nagtuturo ng Qur’an, pero walang isang hadith na nagsabing may gantimpala pag ikaw ay nagturo ng bible.
3- Wag naman sanang mangyari na sobrang galing mo sa Bibliya pero sa Qur’an bagsak ka naman at wala kang alam sa Hadith ng Propeta. Iilan lamang ito sa mga pamantayan.

Ang pag gamit ng Bible ay hindi kinakailangan sa da’wah kahit pa sabihin nating mga Kristiyano ang dinadawahan natin sa Pilipinas. Ang Propeta at kanyang mga sahabah ay nag dawah sa mga hudyo at Kristiyano sa kanyang panahon ngunit walang sinabi o instruction ang Propeta sa kanyang mga Sahabah na pag aralan ang kasulatan ng hudyo at Kristiyano.

Patungkol sa sinabing hindi nila maiitindihan ang Qur’an kaya kailangan gumamit ng Bible, baka ang ibig mong sabihin na ikaw ang hindi nila maintindihan. Wag mong e bintang sa Qur’an ang iyong pagkukulang. Kung nag aral ka lamang ng mabuti edi sana ay mas naging malinaw ang iyong pagdawah. Wala sa Qur’an ang problema kundi nasa sa iyo dahil ang Qur’an ay gabay sa lahat ng tao at ito ay ipinahayag na malinaw at madaling intindihin. Patungkol sa sinabi mong hindi nila ito paniniwalaan, wag mo nang problemahin yun magpahayag ka lang at ang Allah ang magbibigay ng tawfiq at hidayah sa kanila. Kung ang mga taong ito ay ayaw maniwala sa Qur’an at katotohanan, wag ka nang mag expect na maniniwala sila sa iyo kung gamitin mo ang Bibliya. Katotohanan nga ayaw nilang tanggapin!

Si Ibn Abbas ay nagbigay ng babala na wag nating e prefer ang Bibliya kaysa sa Qur’an at Sunnah, kanyang sinabi:

أَنَّ ابْنَ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ كَيْفَ تَسْأَلُونَ أَهْلَ الْكِتَابِ عَنْ شَيْءٍ وَكِتَابُكُمْ الَّذِي أُنْزِلَ عَلَى رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَحْدَثُ تَقْرَءُونَهُ مَحْضًا لَمْ يُشَبْ وَقَدْ حَدَّثَكُمْ أَنَّ أَهْلَ الْكِتَابِ بَدَّلُوا كِتَابَ اللَّهِ وَغَيَّرُوهُ وَكَتَبُوا بِأَيْدِيهِمْ الْكِتَابَ وَقَالُوا هُوَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ لِيَشْتَرُوا بِهِ ثَمَنًا قَلِيلًا
Bakit ninyo tinatanong ang mga ahlul kitab patungkol sa mga bagay bagay, samantalang ang inyong aklat ay siyang pinadala sa Mensahero ni Allah SAS? Binabasa ninyo ito ng dalisay at walang pagbabago habang si Allah ay ipinaalam sa inyo na binago ng mga Ahlul kitab ang kanilang kasulatan at sinulat ito sa pamamagitan ng kanilang kamay at nagsabing ito ay galing sa Allah kapalit ng kakaunting halaga?

Kaya, mas pipiliin ba natin ang pag gamit ng Bibliya kaysa sa Qur’an? Hindi, wala nang libro ang mas hihigit pa kay sa salita ni Allah, ang kataas-taasan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s