Hindi ba tayo magpapasalamat?

Kung ang paningin ay inimbento pa ng tao, ang mga naka-imbento nito ay magpapadala sa atin ng mga bayarin sa lahat ng mga nakamamanghang ating nakita, ng mga tanawing ating dinalaw, ng mga hakbang na nagawa natin na hindi tayo natutumba, ng mga librong binasa natin, at ng mga taong ating nakasalamuha. Ang babayarin ay sa ganoong walang katapusan. Kung ating iisipin ang laki ng presyo na kailangan nating bayaran dahil lang sa tayo ay nakakakita, yaon lamang napakayaman ang may kakayahan sa pagbili sa bagay na tinatawag na mata.

Ngayon ating pag isipan ang mga biyaya ng ating dila. Ganundin, malaki ang kikitain kung ito ay inembento pa ng mga tao. Ilalagay nila ang mahal na presyo nito na sobrang mataas at sa tingin nila ito ay nararapat lamang o kulang pa— isipin mo nalang ang lahat ng mga pagsasalita na magagawa natin gamit ang kanilang produkto! Ang mga babayarin sa telepono ay isang lantad na halimbawa ng kitang nagmula sa dila: kung hindi natin mababayaran ito, putol ang serbisyo— wala nang pagsasalita sa telepono. Isipin mo kung hindi ka makakabayad sa bayarin ng iyong dila ay hindi ka na makapagsasalita.

Ang paningin at pagsasalita ay dalawa lamang sa marami pang mga di mapapantayang biyaya na ipinagkaloob ng Allah sa atin ng libre. Ang hinihingi lamang sa atin bilang kapalit ay ang pagiging mapagpasalamat. At kahit na nga dito ay hindi pa tayo pinipilit. Ngunit kung pinili natin ang pagiging palalo tayo ay nakagawa ng malaking kasamaan.

Kung wala ang paningin, ang kaligayahan sa mundong ito ay wala din. Ang isang bulag, halimbawa, ay tiyak na ipagpapalit ang lahat ng kanyang kayamanan para lamang siya makakita. Ang biyaya ng paningin ay sapat na para umubos sa lahat ng pera sa buong mundo, ngunit si Allah ay nagkaloob nito ng walang kabayaran.

Pag meron tayong business trips, sagot ng kompanya ang pagkain, lodging, at ang mismong biyahe. Kung gagamitin natin ang pera ng kompanya para bumili ng tig-iisang ipod shuffle para sa ating mga kaibigan, hindi ito sasagutin ng kompanya at ang ating trabaho ay mamimiligro dahil sa pag abuso natin sa kanilang pribiliheyo.

Ngayon, isipin mo kung si Allah, ang kataastaasan, ay pinakitungohan tayo kagaya ng pakikitungo ng ating mga amo, agad agad na ititigil ang ating pribiliheyo pagkatapos na tayo ay nagkamali, o kaya e terminate agad ang ating kontrata. Patay tayong lahat sa isang iglap, dahil patuloy nating inaabuso ang mga regalo at biyaya na ipinagkaloob niya sa atin. Ginagamit natin ang dila sa pamamaraang hindi niya nagugustohan, gaya ng panlilibak, pagsisinungaling, at pagmumura. At patuloy nating inaabuso ang biyaya ng paningin at pinapabayaan na lamang itong mamangha sa mga bagay na ipinagbawal niya. Ang kompanya ay agarang sisibakin ang mga trabahanteng ito. Ngunit si Allah ay hindi sumisibak ng agaran. Siya, ang mapagpatawad, ay nabibigay sa atin ng pagkakataon pagkatapos ng mga pagkakataon.

Ipagpalagay nating ikaw ay costumer ng isang cellphone service sa loob ng sampung taon, ang iyong serbisyo ay puputolin sa oras na hindi mo na ito kayang bayaran, kahit na ilang libo pang pera ang iyong binayaran nung nakaraan. Ngunit, si Allah ay hindi kumukuha ng anoman mula sa atin, datapwat pinapatawad niya ang ating mga pagkukulang at kawalang pasasalamat. Mayroon bang kompanya sa mundo na patuloy na magbibigay ng serbisyo sa mga tao na hindi makabayad o ayaw magbayad? Yan ang ginagawa ng Allah, maliban na lamang na ang kanyang serbisyo ay ang biyaya ng buhay.

Si Allah ay hindi nagpapadala sa atin ng buwanang babayarin o kaya ay sisibakin tayo gaya ng pagsibak ng isang amo. Kung may isa na gumawa ng kabutihan para sa atin, tayo ay puspos ng pasasalamat at susubukan pang ibalik ang pabor na iyon. Hindi bat tayo ay mas higit na nararapat na purihin ang Allah? Isipin nalang natin lahat ng ipinagkaloob niya. At siya ay patuloy na nagbibigay sa atin ng maraming pagkakataon, upang ating maisip ang kanyang biyaya at magpakita ng pagpapasalamat.

Ang pinakamasamang maaring gawin ng kompanya ay ang putolin ang ating serbisyo, singilin tayo ng mga babayarin, at padalhan tayo ng mga ahensiya na maniningil sa atin. Pero maari parin tayong pumunta sa ibang kompanya kung gusto nating maipagpatuloy ang serbisyo, at maari tayong maghanap ng bagong trabaho kung tayo ay sinibak sa pwesto. Pero, ano ang mangyayari sa araw ng paghuhukom kung ang buong buhay na pag abuso na ito sa maraming biyaya ang siyang pipigil sa atin sa pagpasok sa paraiso? Wala ka nang ibang paraiso na ma aaplayan. At katiyakang wala nang ibang Panginoon ang iyong masusumpungan. Isang salaf ang nagsabi: “Ang pagiging mapagpasalamat ay ang hindi pag gamit ng kanyang mga pinagkaloob para suwayin siya.” Kaya tayo ay mangako na gamitin ang ating buhay para sa ikatutuwa ng Allah, ang sanhi ng lahat ng mga biyaya. Katotohanan, ito ang pinakamabuting paraan ng pagpapasalamat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s